Kinabukasan pumunta ako sa Hospital,kung saan naka confined si Zen.
"Mom,"-tawag ko kay Mommy.
"Zia,anak,"-lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Kamusta si Zen?"-
"Wala pa rin siyang malay,"-malungkot na saad ni Mommy.
May mga aparato na nakakabit sa kapatid ko.
"Si Daddy?"-tanong ko kay Mommy.
"Umalis saglit, nagkaroon lang ng problema sa kompanya,"-
Tumango tango lang ako dito.
"Mom,uwi ka muna,ako muna magbabantay kay Zen,"-ani ko kay Mommy.
"Sige,liligo lang ako at kukuha ng damit,"-
"Sige po,"-
Umalis na si Mommy,umupo muna ako sa tabi ni Zen.
Napakaganda ni Zen,kahit alam ko na may relasyon sila ni Jaime,hindi ko ito pinakialaman,gusto ko na maging matured siya at matuto rin ito kung ano ang pinasukan niya.
Napabuntonghininga ako.
Napalingon ako sa pinto ng may nagbukas ito.
Napairap ako nang pumasok si Jaime.
"Ano kailangan mo?"-agad na bungad sa kanya.
"B-bibisitahin ko lang si Zen,"-saad ni Jaime na umiwas pa ito ng tingin.
Umupo ito sa tabi ni Zen at hinawakan ang kamay ng kapatid ko.
"Akala ko ba ikakasal kana?"-pang uuyam na tanong ko sa kanya.
Hindi ito umiimik.
"Hayaan mo na ang kapatid ko Jaime,hayaan mo siyang maabot muna ang pangarap niya,"-diin na sabi ko sa kanya.
Tumingin si Jaime sa akin.
"P-paano kung h-hindi niya ako maalala?"-
"E di mas maganda, actually ayaw ko talaga sa iyo, putang ina mo!kinabayo mo na pala si Zen,kapag malaman ito ni Kuya Zack,bugbog sarado ka!"-
Yumuko lang ito.
"Thank you Zia,kahit matagal mo na alam ang tungkol sa amin ni Zen,mas pinili mo na pabayaan kami,"mahinang saad niya.
Napangisi lang ako dito.
"Kay Zen ko lang iyan ginawa,hindi ka kasama doon,"-irap na sabi ko.
Tumayo na ako.
"Bantayan mo muna ang kapatid ko may pupuntahan lang ako,"-ani ko kay Jaime.
Tumango lang ito sa akin.
Humarap ako kay Jaime.
"Hindi pa rin tayo okay,"-ismid ko sa kanya.Tumalikod na ako at lumabas na ng silid.
Nagtext na ang taong inutusan ko na sundan si King.Agad akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa lugar kung saan si King.
What the Hell!
Bakit sa sementeryo?
Dito daw pumunta si King.Kinuha ko muna ang aking baril at lumabas na sa aking kotse.
Ano kaya ang ginagawa ni King dito?
Pumasok ako sa loob ng sementeryo.Dahan dahan lang ang paglalakad ko.Napatigil ako nang may tumutok ng baril sa akin.
Humarap ako dito.
"Boss Z?"-nagtatakang saad ni King.
"Anong ginagawa mo dito?""Bibisitahin ko ang mga kaluluwa,"-pilosopong sagot ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/284403673-288-k615319.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Property
RomanceKiel Harrison- He is a Ruthless Billionaire.One of the Greatest Business man in the world. Pero nagbago ang tahimik niyang buhay ng dumating ang isang babae na lahat ng kalokohan siya na yata ang sumalo. Paano niya maiiwasan ang isang sundalo na lag...