Chapter 15

9.5K 224 16
                                    

"Balik muna tayo sa restaurant ni Roice,"-ani ko kay Kiel.

"Babalikan mo iyong berdeng mata!"-galit na sabi niya.

"Hindi ah! kausapin ko lang si Jenny,"-

Umirap ito sa akin.Agad na niya pinaandar ang sasakyan.

Well,okay na kami ni Kiel.Nagkasundo  kami na lilipat ako sa bahay niya.

Pagdating sa restaurant,buti naabutan ko pa si Jenny,si King hindi pa rin umalis.

Agad naman hinawakan ni Kiel ang aking kamay.
Napapailing na lang ako dito.

"Ang bilis naman ninyo,nag quicky lang kayo?"-asar naman ni Jenny pagpasok namin.

Umupo ako sa tabi ni Jenny.

"Akala ko ba aalis kana Berde,"-saad ko kay King.

"Nag usap lang kami ni Lance,"-ani niya.

"Sabihin mo na kung ano ang sasabihin mo kay Jenny,uuwi na tayo,"-ani naman ni Kiel.

"Usap tayo,"-saad ko kay Jenny.

Tumayo ako at sumunod naman si Jenny sa akin papunta sa labas.

"Bakit?"-tanong ni Jenny sa akin.

"Hindi ka ba nakahalata?si General Cruz lagi tayo pinapadala sa malayo,I mean marami naman siyang tauhan,kahit hawak niya tayo-"-

Hindi pa ako tapos magsalita agad naman pinutol ni Jenny,

"Akala ko,ako lang nakahalata ikaw rin pala,"-nakangising saad ni Jenny.

"Yeah,sa akin niya binigay ang mission sa Sulu,maybe after this,mag reresign na ako,"-ani ko kay Jenny.

"That's good,ako din,"-ani naman ni Jenny.

Tanggapin ko muna ang huling trabaho ko sa Sulu, after nito,pamilya ko at si Kiel na ang aking  priority.

"Z, paimbistigahan ko si General Cruz,"-saad ni Jenny.

Malalim kong ito tiningnan.

"Ilang beses na nanganganib ang buhay natin, pero lagi naman palpak ang gustong pumatay sa atin,"-saad ulit ni Jenny.

Malakas ang instinct namin bilang isang Assassin,bawat kakaibang  galaw may ibig sabihin na agad sa amin.

"Aalis ako sa isang araw,limang araw lang naman ako sa Sulu,"-ani ko kay Jenny.

"Good luck,"-saad ni Jenny.

"Yeah, thanks,"-

Pumasok na kami sa loob,hindi na namin nakita si Berde.

"Saan si Berde?"-tanong ni Jenny kay Roice.

"Umuwi na,"-

Nilapitan ko si Kiel.

"Tara na,"-ani ko dito.

Lumabas na kami ng restaurant.

"Convoy na lang tayo,hindi puwedi iwanan ang kotse ko dito,"-saad ko sa kanya.

"Ipakuha ko na lang mamaya sa tauhan ko,iwan mo na lang ang susi kay Roice,"-ani ni Kiel sa akin.

Inabot ko sa kanya ang susi at pumasok ulit ito sa loob ng restaurant para ibigay kay Roice ang susi ng kotse ko.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni Kiel,
Maya maya lang nakita ko na ito palabas at agad naman ito pumasok sa loob ng kotse at umalis na kami.

"Saan tayo?"-tanong ko sa kanya.

"Uuwi na sa bahay,tinawagan ko na ang secretary ko na hindi na muna ako papasok sa kompanya ngayong araw at pina cancel ko na ang mga appointments ko,"-

Assassin's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon