Shit!
Pakiramdam ko binugbog ako ng maraming beses.Pagkamulat ko nakasalubong ko kaagad ang nagbabagang mata ni Daddy.Nakita ko si Mommy na umiiyak na katabi si Zen.Wala si Kiel.Si Kuya Zack katabi si Kara.
Shit!
May flight pa pala ako!
"A-anong oras na?"-tanong ko ,na kay Zen ako nakatingin.
"Alas siyete ate"-
Babangon sana ako ng lumapit si Daddy sa akin.
"Aalis ka na ganyang sugatan?!"-
"Dad-"-
"You disappoint me again, Ziandra!"-
"Zeus,huwag mo na pagalitan!"-ani ni Mommy na nilapitan ako at niyakap.
"Lumabas muna kayo,mag uusap lang kami ni Ziandra!"-
Napatingin si Mommy sa akin, hinalikan niya ako sa noo bago lumabas silang lahat.
"Napag-usapan na natin ito,di ba?!"-
Napaiwas ako ng tingin.
"Akala ko , diyan kana nag fofocus sa pag susundalo mo!"-
"I-I'm so sorry Dad,sana maintindihan niyo ako"-
"Maintindihan?!nilalagay mo sa piligro ang pamilya natin,hindi lang iisa ang gustong pumatay sa iyo,kundi marami!"-
Napayuko ako,
"Ikaw na pala ang humawak ng organization na iyon,hindi ko lubos maisip, killer ang anak ko!"-nakita ko na tumulo ang luha ni Daddy.
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Pinatay mo ang isang minister ng Cambodia,ngayon nandito na sila sa Pilipinas para huntingin ka!ano ngayon ang gagawin mo?!"-
"Let me handle this,Dad"-
"Zia!akala ko ba matalino ka?!baka hindi lang sila ang humahabol pa sa iyo,baka meron pa!"-
"Aayusin ko po ito Dad, pagkatapos ,aalis na ako sa organisasyon,"-
"Hintayin mo pa ba na isa sa ating pamilya ang mamamatay?o baka ikaw?"-
Napalunok ako.
"Aalis po ako mamaya,may asikasuhin lang po ako"-seryosong saad ko.
"Hindi ka puwedi umalis na ganyan ang lagay mo,mag aalala ang iyong mommy!"-
"Daddy hindi puwedi! Kailangan ko talaga umalis,"-
"Susuwayin mo ulit ako?!"-
"Yes!"-diretsong tiningnan ko si Daddy.
Umiiling iling si Daddy.
"Hindi kita pinalaki ng ganyan!"-
"I'm sorry,sa ayaw at gusto niyo ho,aalis ako"-matigas na sabi ko.
"Then,huwag kana magpakita at bumalik sa pamilyang ito!"-
Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin kay Daddy.
"D-Dad?"-
"Subukan mo umalis,dahil itatakwil na kita!"-
Napatango na lang ako.
"Tatanggapin ko po,mas maigi ,para iwas kayo lahat sa kapahamakan"-mapakla akong tumawa.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Daddy.Ganito ako,pinaninindigan ko kung ano man ang aking desisyon.
Binaklas ko ang dextrose sa kamay ko.Sumirit pa ang dugo.Nakatingin lang si Daddy sa akin.
Tumayo ako,kahit ramdam ko ang sakit at pamamanhid ng aking bandang dibdib.Ilang beses na ba ako nabaril?halos hindi ko na mabilang.
BINABASA MO ANG
Assassin's Property
RomanceKiel Harrison- He is a Ruthless Billionaire.One of the Greatest Business man in the world. Pero nagbago ang tahimik niyang buhay ng dumating ang isang babae na lahat ng kalokohan siya na yata ang sumalo. Paano niya maiiwasan ang isang sundalo na lag...