Chapter 19

8.2K 195 13
                                    

"Grabe, buhay ka pala Z,"ani ni Bea sa akin.

Napangisi na lang ako sa kan'ya.

"No wonder, masamang nilalang ka talaga,"nakangising saad ni LC.

Nandito lahat ang mga kaibigan ko.Sina LC, Selene, Ziena, Ann, Bea at si D.

Si Jenny at Gaia, mamaya pa sila pupunta dito sa rest house ni Ginto.

"Akala ko talaga bata pa ang kapatid ni Geo, matanda na pala si Ginto,"natatawang saad ni Ann.

Napatingin ako sa pinto.

"Kurt?"

Shit! buhay si Kurt?

"Hey Kurt!Buhay ka?"agad akong lumapit.

"Yeah, napasuwerte,"nakangiting saad niya.

"Wow, masaya ako kasi akala ko napasama ka sa mga namatay,"

"Hey, Kurt,"ani ni Selene.

Napatingin naman ako kay Selene.

"Kamusta?Okay na ba kayo ni Kier?"tanong ni Selene kay Kurt.

"Ahm, y-yeah,"nakangiti na saad ni Kurt.

Nagtataka akong tumingin kay Kurt.

"May problema ba kayo ni Kier?"tanong ko.

"Siya may problema yata, bigla lang ako sinuntok,"

"Paano hindi ka susuntukin, kasama mo ang kapatid ni Jaime Will Vicente,"nakangising saad ni LC.

Napanganga lang ako.Na comatose lang ako mahigit isang taon marami na agad nangyari.
Si Zen kaya, kamusta na kaya siya?

"At isa pa, ang kapatid mo naman Z, si Gold at Jaime, magkaribal,"nakangising saad ni D.

What the fuck!

"Ano ito, nakatulog lang ako ng matagal, may agawan na nangyayari!"galit na saad ko.

Tawa naman ng tawa sila Ann at Bea.

"Ohlala, nangangamoy away na naman, "ani Ziena.

Napatingin ako ulit sa pintuan.

Si Kier.Kasama niya si Jenny, si Gaia at Gold.

"Putang ina!Subukan niyo lang mag-away dito, ako mismo ang babaril sa inyo!"inis na saad ko.

"Wow, maganda ito, makapusta nga,"nakangising saad naman ni Jenny.

Fuck!

Tumayo sila Ann, Bea, LC, Ziena, at Selene.Si D naman pumunta sa tabi ko.

"Kay Kier ako,"ani ni LC.

"Kay Kurt ako,"nakangising saad ni Bea.

"Go Kurt,"nakangising saad ni Ziena.

Shit!

"Tumigil nga kayo!"inis na sabi ko sa kanila.

Tawanan naman ang mga kaibigan kong babae.

"Ginto!"agad ko tinutukan si Gold ng baril.

"Shit!baka maputok mo iyan sa akin, Z!"natataranta saad ni Gold.

"Putang ina mo Gold, pagkatapos ni Jaime, ikaw na naman ang umaaligid sa kapatid ko!"

"H-hindi ah!sino ba nagsabi sa iyo?"ani niya na pumunta ito sa likod ni Kier.

"Si D!"

"D, sinungaling ka!"ani niya galit itong nakatingin kay D.

Tawa naman ng tawa si D.

Assassin's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon