Chapter 29
Closure
This can't be happening, how can kuya be here? Matagal ko na siyang hindi nakikita at ang alam ko ay nasa ibang bansa na siya, papaanong nandito siya?
Kanina pa ako gising pero wala akong balak na buksan ang mata ko lalo na't dinig ko ang mga usapan sa labas ng kwarto, at hindi lang pang-ordinaryong kwarto. Ramdam ko ang IV sa may wrist ko, hindi naman kailangan pero feeling ko naging oa ang tatlo pagkatapos ko na mahimatay.
"Putangina! Kuya niya daw 'yun." boses ni Cj.
"Kuya?" si Mj naman.
"Ah, ewan! Lagot tayo kay Adi neto!"
Hindi pa din siya nakakarating--sa tingin ko ay dahil sa media na nasa may harapan ng ospital. Kanina pa sila don pagkatapos na malaman na may nangyari sa akin.
"Saan siya?"
Para akong nabuhayan ng dugo at napamulat kaagad pagkarinig ko ng boses niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Adi na alalang-alala ang mukha.
"How are you? Wala na ang kuya mo." lumapit kaagad siya sa akin, I thought he'd stop and sit on a chair but he sits on my bed and combed my hair. I felt comfortable.
We were both silent for a minute before he started talking again.
"What did he say to you?" he continued playing with my hair while I was looking at the ceiling.
I sighed--I don't know if I can tell him about it at all. Hindi ako nakasagot kaya hinalikan niya ang noo ko. I was caught off guard but I smiled. I mean, I don't know what's happening to me.
Dumating din sila mamang, si kuya Uma naman ay hindi alam kung dapat ba niyang sisihin ang sarili niya kahit hindi naman. Pakiramdam niya hindi na siya dapat umalis sa tabi ko pero hindi naman niya responsibilidad ako.
"It triggers her again." dumating ang aking Psychologist.
Nakikinig lamang ako sa usapan nila, nasa loob kami ng room at sila mamang lamang ang nandon. Mga taong may alam sa kalagayan ko. Pero nawala din sa isip ko ang makinig dahil si kuya lang ang naiisip ko. Bakit siya bumalik?
Maya-maya pa ay umalis na din ang psychologist ko, napansin niyang ayaw kong magsalita at panay tango lamang ako sa mga sinasabi niya at tinatanong. Sinabi niya ring babalik siya para makausap ako ng harapan ng walang tao sa paligid.
Pwede na rin naman daw akong ma-discharge pero ay hindi pumayag si mamang. Dehydrated nga ako kaya gusto niyang dumito muna ako, ayaw ko din naman umuwi kasi mas lalo lang akong mapapaisip kung wala akong makakausap.
"Pa'no ba 'yan, hindi na ata tayo matutuloy." sabi ni Cj tapos ay umupo sa may couch.
BINABASA MO ANG
24th Day of September ( Doubtful Series #2 )
RomanceSa murang edad, mulat na mulat na si Aria Catalina sa mga pangyayari na lumilibot at pinagdadaanan ng kanilang pamilya. Ngunit ganon pa din ang pagkabigo niya at pagkawala ng pag-asa nang pilitin siya ng kaniyang magulang na gawing pambayad utang da...