Chapter 7

19 3 0
                                    

Chapter 7

It's been three days after the encounter with Kara and Adi on that korean restaurant. I've been staying inside my house in that 3 days. Bukas ay may guesting ako sa isang night show. It was Charlze's Night Show. Charlze the one who handed me his hair tie.

Ang manager ko na lamang ang nag-inform sa akin through call. Ang manager ko ay ang photographer din na unang lumapit sa akin sa ILOPRISAA. I just find myself comfortable with him so I suggested him to be my manager instead of the company picking someone I am not used to be with.

"AC, Charlze's Night Show for tomorrow. Charlze personally called me for your guesting.. since you're not busy naman. I agreed," sabi niya.

"Wala namang pa-suspense pa 'yan? Last time na nag-guest show ako ay binigyan nila ako ng pair of panty. Gosh! That was embarassing!" sabi ko habang napapahawak pa sa may sentido ko. Si Charlze pa ba?

"That was like.. a year ago! Move on already!" natatawang sabi ni kuya Uma. How I find it annoying when he speak in english, para siyang bading pero lalaking-lalaki naman.

"I don't have his number, kuya. Can you give his number to me? Sasabihan ko na kung meron siyang surprise ay sana 'wag naman pair of bra 'yun!" sabi ko. Dinig kong tumawa si kuya Uma. A pair of panty and now a pair of bra, just to complete it.

"Kunin mo number niya bukas. Do a beauty rest!" iyon nalang ang sinabi niya tapos ay pinatay na din ang tawag. Nakamot ako sa ulo ko tapos ay humiga nalang uli sa kama. Katulad ng sinabi ni kuya Uma ay nag-beauty rest nga ako. Ni-wala din akong ginawa kinabukasan. I don't have time to dirty my house so.

Alas-sais ng gabi nang maligo na ako. Sinuot ko muna ang bath-robe ko tapos ay umupo sa harap ng salamin ko. Light make up lang naman tapos ay sinuot ko na ang gray buttoned-off shoulder dress ko. Hinayaan ko nalang ang buhok kong nakawayway. Pagkatapos ng lahat ng mga ritwal ay umalis na din ako ng bahay. Nakarating ako sa studio at agad na nakita si kuya Uma.

"Are you planning to show off your boobs, Aria?" tanong ni niya nang makalapit ako. Inirapan ko siya tapos ay nag-peace sign din.

"Why are you even looking at it? Manyak!" asik ko sa kaniya. Inirapan niya lang din ako tapos ay dinuro ang suot ko. I am not even naked! Isa pa ay may mga pictures na rin ako na naka-two piece ako. It's normal.

"This is a national tv, Aria.." sabi niya.

I did really change for good, huh? I mean, I don't really mind showing off some skin on public. I'm a model. What I'm scared in the past is to be undressed by a man who I don't even know. Scared of the dark. I have PTSD, Post-traumatic Stress Disorder. Tinulongan ako ni kuya para makahanap ng magandang psychiatrist para sa counseling.

"E, 'yung billboard ko? Hindi naipapakita 'yun? How about the magazine? Duh!" hinampas ko pa ang tagiliran niya kaya napa-aray siya. Hinaplos niya 'yun kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa may isang room para sa guests at sa host. Pagkarating ay nakita ko kaagad si Charlze na inaayusan. Napansin niya rin ako.

"AC! Oh my gosh! Ang tagal nating hindi nagkita!" sabi niya tapos ay tumayo pa at nakipag-yakapan sa akin. I hugged him too.

"Isang buwan pa lang." sabi ko kaya natawa siya don.

"Hay! May surprise na naman ako ngayon sayo, since this will be your second guesting here.. mas nakaka-excite 'to para sa mga fans ninyo!" sabi niya. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at naupo nalang doon dahil aayusan din naman pala ako ng makeup artist dito. Dahil may makeup naman na ako ay dinagdagan nalang nila 'yun ng same color para mag-mukhang dark medyo dahil sexy daw ang peg ko tonight.

Sinuklay pa ang buhok ko tapos ay tinanong kung isi-straight daw ba 'yun. Dati gusto kong straight, ngayon kulot na.

Binigay sa akin ni charlze ang isang bondpaper na naglalaman ng mga pagkakasunod-sunod ng mga mangyayari sa show. Mauuna ang enggrande kunnong entrance ni Charlze tapos ay ang pagpapakilala niya. Meron pang pagpapa-promote ng teleserye kong patapos na rin. 5 last episodes.

24th Day of September ( Doubtful Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon