Chapter 17
Pagkagising ko ay nasa may hospital na ako. Nasa may couch si kuya Uma na may kausap sa phone niya. May nakatarak sa may kamay kong nagsu-supply sa akin ng dugo ( RBC - Red Blood Cell ). Sinabi ng doctor na kulang daw ako sa tulog, sa tubig at sa dugo kaya ako nahimatay. At dahil na rin may record ako ng trauma ay tinatawagan ngayon ni kuya Uma ang doctor ko sa Pilipinas.
"It's because you got triggered upon seeing him. Isa siya sa dahilan ng trauma mo kaya talagang ganiyan ang mangyayari. I suggest you to take your pill again, AC." aniya.
I'm back in taking pills again?
"Okay, doc. Thank you." sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya ng kaunti.
"Bumalik ka sa office kapag nakabalik ka na, ha? Kailangan nating pagusapan pa 'yan. Call me if something happened again." sabi niya pa. Tumango ako. Nagpaalam na din siya kaya pinatay na ni kuya Uma ang tawag.
Napabuga ako ng malalim na hininga tapos ay tumingin nalang sa may ceiling. Hindi ko pa pala kaya. Nagalit lang tuloy ako uli sa kaniya. Gusto ko na tuloy siya uling ipakulong pero imposible 'yun. He's more powerful than I am, what can I do? Bumalik sa Pshycologist ko kapag nakikita siya? Anong laro ba ang sinimulan niya?
"I booked a flight for us. Aalis na tayo mamayang madaling araw," sabi ni kuya Uma.
"Ha? Agad? Paano sila miss Iori? Paano ang team--"
"They were the one who insisted for us to go home first. Dahil mage-extend pala ang iba dito. Ikaw hindi ka na pwede dahil sa nangyari. Kailangan ka pang iadmit dahil sa nangyari sayo pagkarating natin sa Pinas. They found something in you," saad niya. His eyes looked so worried. Ano na naman ngayon? Hindi na ba talaga ako patatahimikin ng buhay ko? Bakit ba kailangang sunod-sunod ang paghihirap ko?
"What is it?" tanong ko. Naupo si kuya Uma sa may chair malapit sa kama ko.
"Mas madami ang count ng white blood cell mo kesa sa red blood cell mo. We're actually waiting for the results to come pero since kailangan mong pumunta sa doctor mo e babalik tayo ng Pilipinas." aniya.
"Anong result ba?" tanong ko.
"I don't know, Ci. But we have to wait for your result, if not they'll just have to message us. I hope it's nothing serious.." sabi pa niya. Napabuntong hininga naman ako at pinikit nalang ang mata ko. I can't afford to be sick now. Ayokong mawala ng kwenta sa mundo. Paano na si mamang?
At dahil kailangan naming umalis ng madaling araw ay na-discharge agad ako. Nasa may airport si miss Iori saka ang ibang team nang dumating kami. They were ready to say goodbye. Adi wasn't there. I guess he's busy.
"AC, I hope you're fine. Message me Uma if something happened, okay?" bilin ni miss Iori.
"I will, miss." sabi ni kuya Uma. Nagpaalam na din kami sa iba hanggang sa makasakay na kami ng eroplano. He wasn't there. Why am I waiting for him to come anyway? Siguradong kasama niya ang hayop niyang pinsan. Isa pa ay may girlfriend na siya, bakit ba umaasa pa ako?
Naglalakad kami sa may loob ng eroplano at hinahanap ang seat namin nang magsalita si kuya Uma.
"You can handle yourself, right? Hindi kasi tayo magkatabi, dahil rush na 'yung ticket e wala akong choice. May katabi kang iba, baka mabait naman." sabi niya. Tumango lang ako, hindi na binigyang pansin pa 'yun. Nang makita niya ang upuan ko sa first class ay tinuro niya at pinaupo ako. Pinakunan niya din kaagad ako ng kumot.
"I can take care of myself, kuya. Hanapin mo nalang ang seat mo," sabi ko sa kaniya. Tumango nalang siya sa akin. Binigay niya din ang bag ko na laman ang lahat ng mga personal kong gamit except sa mga damit kong nasa maleta. Nasa may tabi ako ng bintana, wala pa din ang katabi ko. Pinagsikahan ko nalang ang cellphone ko para tignan ang mga photo na nakuha ko last time.
BINABASA MO ANG
24th Day of September ( Doubtful Series #2 )
RomanceSa murang edad, mulat na mulat na si Aria Catalina sa mga pangyayari na lumilibot at pinagdadaanan ng kanilang pamilya. Ngunit ganon pa din ang pagkabigo niya at pagkawala ng pag-asa nang pilitin siya ng kaniyang magulang na gawing pambayad utang da...