Chapter 7

11 0 0
                                    

Year 1910

Nasa simbahan si Kapitan Pablo kasama ang kanyang buong pamilya. Nandoon din si William at tinabihan si Victoria. Pagkatapos ng misa ay nagpaalam si Victoria na kakausapin ang kaibigan na si Andeng.

Sa kumpisalan.

"Ano ang gumugulo sa iyong isipan anak?" ang panimula ni Padre Patrino.

"Nadinig ko po ang kasunduan ng aking ama at kanyang kaibigan padre." ang bulong ng babaeng may perlas na kwintas.

"Paano ito nakagulo sa iyong isipan? Mayroon bang masamang balak o plano ang iyong ama at ang kanyang kaibigan?" ang tanong ng padre.

"Nais akong pakasalan ng kanyang kaibigan at pumayag ang aking ama. " ang mahinang turan ng babae.

"Hindi mo ba mahal ang lalaki na ipakakasal sa iyo" nag tanong ni Padre Patrino. 

"Mahal na mahal padre" sinubukang pigilan ng babae ang kanyang pag-iyak, ngunit siya ay nabigo.

"Kung gayon ano ang problema anak?"

"Hindi niya ako kayang tanggapin kapag nalaman niya ang totoo." ang mahina nitong turan at agad na lumabas ng kumpisalan.

Lumabas si Padre Patrino para habulin ang babae ngunit nawala na ito. Isang matigas na bagay ang kanyang naapakan at nakita niya ang perlas na kwintas ng babae. Kinuha niya ito at itinago, nagbabaka-sakaling balikan ito ng dalaga.

Sa labas ng simbahan, nag-aantay si William kay Victoria. Lumabas si Andeng kasama ang kanyang kapatid na si Manuel.

"Magandang umaga senyor William" ang magalang na pagbati ni Andeng.

"Magandang umaga Andeng, nasaan si Victoria?" ang nagtatakang tanong ni William.

"Nandito" bago pa sumagot si Andeng ay dumating na si Victoria.

"Victoria, akala ko ay kakausapin mo si Andeng? Bakit hindi kayo magkasamang dalawa?" ang nagtatakang tanong ni William.

"Magkasama kame kanina ni Andeng, ngunit naghiwalay din kame agad dahil kailangan niyang makipagkita sa kanyang kapatid na si Manuel." ang paliwanag ni Victoria na hindi man lang nawala ang pustura.

"Tama ang nabanggit ni Victoria senyor William, ako nga pala si Manuel. Sakristan dito sa ating simbahan" ang pagpapakilala ni Manuel.

"Nauna lamang kame dahil nagsindi ng kandila si Victoria sa altar." halata ang kaba sa pagsagot ni Andeng.

"Bakit may problema ba Senyor?" ang tanong ni Victoria kay David.

"Wala, nag alala lamang ako ng makita si Andeng ng hindi ka kasama." ang paliwanag ni David. "Nasaan nga pala ang kwintas na binigay ko sayo?" ang nagtatakang tanong ng senyor.

"Nasa aking pitaka, nahulog ito kanina sa may kumpisalan." ang sagot ni Victoria.

Ngumiti na lamang ang senyor at inihatid ang dalaga sa kanyang tahanan.

-
Present time

Bella's POV

Inihatid ako ni Chase sa aking kwarto at pinakuha ng damit sa isang malaking kabinet. Ako ay namangha pagbukas ko nito, ang daming damit at mukang mamahalin lahat. May underwear din dito, paano siya nagkaroon ng ganito sa mansion niya? Pinaghandaan ba talaga niya ang pagdating ko?

Tinungo ko ang banyo at naligo, ang kati kase ng buong katawan ko dahil sa tubig dagat.  Pinagmasdan ko ang kabuuan ng banyo, kasing laki na ata to ng apartment namin ni Tiya Mabel. Si Tiya Mabel. Kamusta na kaya siya? Talaga bang pumayag siya sa pagbili sakin ni Chase? Si Chase. Sino nga ba siya. At ano ba ang ibig sabihin ng pangitain ko kanina, panaginip ba iyon o isang alaala? Sino nga ba si Victoria? Ako ba siya sa dati kong buhay? Pumikit ako at pilit inaalala ang aking nakita kanina, sumakit ang dibdib ko ng may maalala na isang kwintas. May pendant itong perlas, napahawak ako sa aking bibig dahil sa lakas ng aking hikbi. Umiiyak na pala ako... Bakit ako umiiyak? Agad kong pinatay ang shower at pinakalma ang aking sarili. Kailangan kong maging matatag, at kailangan kong malaman ang buong katotohanan.  Sa katauhan ni Chase at kung ano ba talaga ang relasyon niya sakin, niligtas niya ang buhay ko. Ayaw niya na masaktan ako, sa ngayon sapat na itong dahilan para manatili ako dito. 

Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis at agad na hinanap si Chase. Naabutan ko siya sa may pintuan, natutulog na nakaupo sa isang upuan. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang kagwapuhan. Kagwapuhan? Erase! Erase! Bella ano bang naiisip mo!

"How are you?" napatili ako ng bigla siyang magsalita at magmulat ng kanyang mata. Muli ko na namang nasilayan ang kulay asul niyang mga mata na puno ng misteryo at kalungkutan.

"Okay na, okay lang ako." ang nahihiya kong turan.

"Do you really hate me that much?" ang may hinanakit niyang tanong sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit kailangan mong ipahamak ang sarili mo?"

"Hindi... Hindi ko gustong ipahamak ang sarili ko." ang dipensa ko.

"If I got there a minute late, hindi ko na alam kung paano pa kita mahahanap." ang malungkot niyang pahayag.

"I'm sorry." wala sa ulirat na sabi ko.  Tumingin siya sakin at humakbang palapit.

"Answer me, do you really hate me? Victoria?" I heard that name again.

"I'm not Victoria!" ang sigaw ko na siyang kinabigla niya.  "I don't hate you. I'm scared of you. You kidnapped me, and now I'm your property. I don't know what to do or think anymore. The day we met, you told me that you will destroy my life. But now, you saved me." nakakapag english talaga ko kapag sobra sobra na ang emosyon.

"Hindi mo kailangang matakot." ang sabi niya at hinawakan ang aking pisngi.

"Ano ba talagang intensyon mo?" ang naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I just want you to stay with me."

"I have life before I met you Chase."

"Life?" ang makahulugan niyang tanong. Natahimik ako dahil parang tinamaan ako sa tanong niya.  Life? Ako nga ba ang may hawak ng buhay ko sa simula pa lang at hindi ang ibang tao?

"I will stay, in one condition." ang buong tapang ko na sabi sa kanya.

"What condition?"

"You will not call me Victoria anymore." nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.  "I have a name and it's not Victoria." ang dugtong ko pa.

"Fine, I'll call you... "

"BELLA" ang sabay naming pagbanggit ng aking pangalan. Ngumiti ako dahil sa wakas nabanggit na din niya ang pangalan ko.  May kakaiba akong naramdaman na kasiyahan sa unang beses niya na pagtawag sa akin.

"Yes, I'm Bella. Isabella Fernandez" inabot ko ang kamay ko sa kanya. Inabot niya ang kamay ko at kinamayan.

"It's nice to be with you, Bella." at sinuklian niya din ako ng isang matamis na ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon