Chapter 1

32 0 0
                                    

"Do you believe in reincarnation?" ang tanong ng estudyanteng katabi ko sa bus.

"Re.. Reincarnation?" ang ulit ko.

"Yes po, reincarnation or the idea or the belief that people are bornagain with a different body after death." ang paliwanag niya.

"Alam namin ibig sabihin non ate." ang pagsusungit ni Anna.

"Pst. Grabe ka naman nagtatanong lang naman sila." ang saway ko sa kaibigan ko.

"Para san nga pala uli yang tanong niyo?" ang matamlay na tanong ni Anna.

"Ah para po sa thesis namin, tungkol po siya sa supernatural beliefs ng mga Filipino. Isa po kase ang reincarnation sa napili naming isurvey." ang paliwanag niya.

"Okay! Basta ko hindi ako naniniwala.  I only live once! You know? YOLO!" natawa naman ako sa sagot ni Anna.

"Ikaw po miss? Naniniwala ka sa reincarnation?" ang nakangiti niyang tanong sakin.

Napaisip naman ako sa tanong niya.  Naniniwala nga ba ko sa reincarnation? Totoo nga bang binigyan ako ng bagong chance na mabuhay sa katawang to para baguhin ang kapalaran ko? Ano pa nga ba ang dapat baguhin sa kapalaran ko? Sa dati ko sigurong buhay mas maayos pa ang sitwasyon ko. Kung totoo nga ang reincarnation, sana ibalik nalang niya ko sa dati kong buhay. Siguro doon ako mas sasaya.

"Miss?" ang tanong niya ulit.

"Ah...  Oo, naniniwala ako." ang sagot ko.

"Talagaaa?" ang tanong ni Anna.

"Aura! Aura!" ang sigaw ng kundoktor.

"Tara na Anna, malelate na tayo!" ang yaya ko sa kanya. 

Bumaba kame ng bus at tumakbo sa napakainit na BGC. Pupunta kame ni Anna sa WC Hunter Banking Company.  Sikat na mga bangko ang hawak ng WC Hunter,  bank at bpo company sila.  Nag start ang company nila 1900 pa sa Estados Unidos. Dinala sa Pilipinas ni William Chase Hunter ang founder nila ang kanilang kumpanya noong 1908.

"Aray ko!" ang sigaw ni Anna. Tumingin ako sa  kanya at nakita ko ang nasira niyang takong.

"Naku po! Tulungan na kita" inalalayan ko siyang tumayo.  "Bumili ka nalang ng tsinelas o kaya doll shoes sa Sm Aura.  Kase naman Anna,  alam mo naman na mahabang lakaran ang gagawin natin! Bakit ka pa nag heels?" ang mahaba kong litanya sa kanya.

"Huwag ka ng mag speech okay! Hala!  Best mauna ka na baka pagalitan tayo ni sir pag nalate tayo sa orientation!"

"Eh pano ka?"

"Oks lang ako! Sige na gumora ka na don para may representative ang CCS!"

"Ingat ka ha! Itetext nalang kita pag nandon nako. Magreply ka ha!"

"Oo best! Sige na punta nako sa Sm!" ang paalam ni Anna. 

Recruiter kame ni Anna sa CCS short for Century Consultancy Services. Agency siya para sa mga call center at bagong company na ihahandle namin ang WC Hunter kame ni Anna ang napiling representative para dito.
Matagal na din ako sa CCS, mag 4 years nako next month.

Ako nga pala si Bella Fernandez, ulila na ako at ang nagpalaki sa akin ay ang aking Tita Mabel. Kapatid ng mama ko. Pagka graduate ko kase ng college, sa CCS nako nag work. Malapit lang kase to samen tsaka kailangan ko ding mag abot ng pera sa tita ko.  Hati kame lage sa sweldo ko. Hindi puwedeng hindi ko siya bibigyan dahil isusumbat niya ang pag aalaga niya saken ng 20 taon.
4 years old pa lang ako ng mamatay ang parents ko sa car accident. At simula noon, si Tita Mabel na ang nag alaga saken.  Matandang dalaga siya na walang ibang inisip kundi ang magsugal at makipagchismisan. 
Simula noong nag aral ako ng highschool, ako na ang nagpaaral sa sarili ko. Nagbebenta ko ng sampaguita bago pumasok para may pambaon, paguwi ko naman ng hapon nag we-waitress ako sa restaurant ng classmate ko. Noong una, maayos naman ang pakikitungo ni Tita Mabel saken, pero nagbago lahat noong grade 6 ako. 
May natanggap siyang sulat at simula noon, wala na siyang pakialam saken.  Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang laman ng sulat na yon.

Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon