Chapter 5

12 0 0
                                    

Year 2020
Bella's POV

Nagpaalam ako kay Chase na pumunta sa dalampasigan at nagulat ako ng agad siyang pumayag.  Iniwan ko siyang kumakain sa kusina ng hinanda kong agahan.

Imposible.

Imposible talaga na si David Chase Hunter at ang Chase na kasama ko ngayon ay iisa.. Ano ito reincarnation?

"What are you thinking about?" nagitla ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.  Si Chase.

"Wa.. Wala naman" ang nauutal kong sagot.

"Can you dance?"

"A-ano?" nag pagkumpirma ko sa tanong niya.  Sayaw? Ako?

Napasinghap ako ng hawakan niya ang aking beywang at hawakan ang kanan kong kaway.
Napatingin ako sa sunglasses niya na hindi pa din niya tinatanggal hanggang ngayon.

"A.. Anong ginagawa mo?"

"Dancing" ang matipid niyang sagot at dahan dahan kaming nag sway na hindi umaalis saming mga pwesto.

"Wa.. Wala namang musika"

"Pakinggan mo ang alon Victoria, ito ang nagbibigay satin ang musika." ang malambing niyang sagot. 

Victoria.

Sino ba talaga si Victoria at bakit pinipilit niya na ako yon?

"Hindi ako si Victoria." ang sagot ko.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sakin at tinignan ako ng diretso.. Kahit na nakasuot siya ng salamin alam kong nakatingin siya sakin.

"Kahit ilang beses kang tumakbo at lumayo. Mahahanap at mahahanap kita. Dahil akin ka lang Victoria!" ang sigaw niya sakin, tumalikod siya at akmang aalis.

"Ako si Bella!" ang ganting sigaw ko sa kanya. Lumingon siya sakin. "Bakit ba ayaw mong maniwala saken? Hindi nga ako si Victoria!" ang sigaw ko sa kanya, bigla akong humagulgol at hindi ko malaman ang dahilan. Bigla nalang sumakit ang dibdib ko, tuwing tatawagin niya ko sa pangalan na Victoria ay sumasakit ang dibdib ko. 

"You're a good liar" mas lalo akong humagulgol ng marinig ko ang sinabi niya. Agad siyang umalis at naiwan akong nakaluhod sa may dalampasigan.

Kung ako man si Victoria, pakiramdam ko may masama akong reputasyon sa unang buhay ko kaya pinaparusahan ako ngayon.

-
Year 1910

Sa may dalampasigan.

David's POV

Hindi pa din maalis sa aking isip si Victoria. Masyado ata akong naging padalos dalos kanina kaya sumama ang kanyang pakiramdam at hindi na muli nakipag usap sakin. Napakalaki ng utang na loob ko kay Pablo at sa pamilya niya.

-
3rd person's POV

Taong 1989

Nailigtas na ni Pablo si David sa kamay ng mga sundalong kastila.

"Where's my mom and dad?" ang umiiyak na turan ng batang senyor.

Tumingin lamang sa kanya si Pablo dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi ng bata.

"I want to see them pleaaseeee" at lalo itong humagulgol sa pag-iyak.

Niyakap na lamang ni Pablo si David..

"Huwag ka ng umiyak, ligtas na ang iyong buhay."

Nanatili si David sa bahay ni Pablo ng 2 araw. Bumubuti na din ang pakiramdam nito dahil sa pag-aaruga ni Pablo.

Her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon