CHAPTER TWO

16 3 1
                                    

Ariela's Point of view

Baliw ata tong Kasama ko ang Daming sa sinasabe hinde ko naman maintindihan.

" Kaya nga ganon yung nangyari, atska hinde ko naman sinasadya eh "

Paliwanag nya. Ang naintindihan ko lang naman ay napag isipan nya daw mag experiment about sa project na gusto nya ilabas.

Ang pangalan pala nya ay Vanclei Leopold Benedict, amoy mayaman.

" Bakit ang tahimik mo? " Tanong nya

" Kailangan ko na maging maingay? Tara punta tayo sa karaoke bar " sagot ko.

" As if naman papayagan ako " bulong nya.

" Sa tanda mong yan hinde ka parin papayagan? " Tanong ko.

" Grabe naman yung word na "matanda" i'm just 19 no, Atsaka medyo protective kasi Sila saakin" sagot nya.

Ahh baka kasi dahil mayaman sila yung parang ganon sa mga teleserye. Humaba Haba ang pag uusap namin na umabot na ng pag sikat ng araw

" Sigurado na bang ayaw mo muna tumuloy para mag agahan? " tanong nya ng marating namin ang gate ng resort nila.

" Juliet, Juliet? " natatawang sagot ko

Sasagot pa sana sya ng kumahol ang nakakulong na aso. Nakita ko kung paano nag bago ang ekspresyon ng mukha nya. May pag kabigla, kaba at pagtataka.

" Sige mauuna na ako, Salamat" paalam ko, ngunit natuon na sa aso ang lahat ng kanyang atensyon.

Naisipan kong bumalik sa sementeryo para tignan ang nangyari saaming bahay.

Na antig ng lihe-liherang itim na sasakyan ang aking atensyon. Sa tapat ng gate ng sementeryo sila nakaparada kaya naman mahihirapan kang pumasok sa loob. Nakita ko si aling Nena na bumaba galing sa isang tricycle.

" Kanina pa kita hinahanap Ariela, saan ka ba nag punta?" bungad nya agad pag kababa ng sasakyan.

" Bakit nyo naitanong? " balik na tanong ko sakanya.

"Eh kasi hinahanap ka ng mga iyan " sagot nya sabay turo sa mga taong lumabas galing sa itim na van.

Unang lumabas ang isang matandang babae na mas madami ang puting buhok kesa sa itim. Inalalayan naman ito ng lalaking naka white na polo na naka tuck-in sa kanyang demin pants. Kapansin pansin naman ang babaeng naka terno na skirt at long-sleeve na pinaresan ng  knee high white boots nya.

" Good morning ihja , are you Ariela? The  daughter of Mariestella? " Tanong ng matanda.

" Magandang umaga din ho sainyo, nanay ko nga po si Mariestella, hinde ko lang po sigurado kung pareho tao ang Mariestella ang pinag uusapan natin"

Nakarinig ako ng murmur sa babaeng kapansin pansin kanina ngunit hinayaan ko lamang sya at hinintay ang isasagot ng matandang nasa harapan ko. Inabot nya saakin ang isang envelop, Bakit ganoon?  alam ko na ito pero ang pakiramdam ay parang iyon ang una. Nang maburyo na ako sa nilalaman nito ay ibinalik ko sakanila ang aking paningin.

" Ano po ba ang kailangan ninyo? "  tanong ko sa matanda.

" Just come with us " sagot ng lalaking umalalay sa matanda kanina.

Tumango ako at sumunod sakanila papasok ng sasakyan. Pag pasok sa sasakyan ay katahimikan lang ang nanaig, Pamilyar saakin ang dinadaanan namin ngunit Hinde ko ito masyadong alam. Hinde ako sigurado kung tama ba ang naging desisyon ko sa pag sama sakanila, sa totoo lang hinde ko pa alam kung paano tatakbo ulit ang aking buhay ngayong wala na si nanay.

When Life Is Pointless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon