ARIELA'S POVAmazing!!!! Ang galing. Sumakay kami sa elevator at lumabas sa isang kwarto na mukhang opisina. Katulad kung saan kami
pumasok kanina. Iniikot ko ang aking paningin sa loob ng opisina, may swivel chair at working table dito, sa harap naman ay may dalawang guest chair na kakulay ng table, sa gilid naman ay may sofa set. Lahat ng palamuti ay puti maliban sa itim na itim na painting." Tapos ka na ba sa pagtinggin?" tanong ng matanda kaya nilingon ko sya. Kasalukuyan syang nag aayos ng kanyang damit. Nasa fifty to sixty years old na ito kung tinignan, dihamak na mas mukha syang matanda kay nanay. Naka puti din sya na T-shirt na ing tuck-in sa puti na hanggang bukong bukong na palda at pinaresan ng puting boots. Bumagay sakanya ang nag hahalong gray at itim na buhok, umabot ito sa kanyang balikat.
" O-Opo " Kinabahan kasi ako sakanya dahil tumalim ang kanyang paningin ng mapansing sinusuri ko ang katawan nya.
" Don't forget what i told you earlier " pahabol na bilin nya.
Nasa loob pala kami ng katamtamang laki na bahay. Lahat din ng palamuti dito ay puti. Lumabas kami dito at tumambad saamin ang napakaraming tao, lahat nananman sila ay nakaputi at naka itim. Paulit ulit ang kulay ng damit, may color coding kaya sila? Haiist! Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang dahilan kung bakit madaming tao.
Nanay, Nakita ko ang malaking litrato nito sa harap, katabi ng gray na kabaong. Madaming nakaliherang bulaklak na may sulat sa ibat ibang lenguahe. Pinag masdan ko pa ito ng ilang minuto bago sumunod sa matanda.
Nilingon nya ako at binigyan ng panyo para punasan ang mga luhang hinde ko namalayan na tumulo na. Nakipag usap sya sa mga taong mukhang mga banyaga.
"sincères condoléances" yan palagi ang binabanggit nila kapag saakin sila nakatingin.
Nakita ko sila Stin, Clian at tatlo pa nilang kasama, kumaway saakin si Stin at tumango naman si Clian. Nilingon din sila ng matanda kaya naman lumapit sila papunta saamin. Katulad ng kanina ay hinde nanaman sila tinugunan sa kanilang pagbati. Nag usap usap sila sa ibang lenguahe na hinde ko maintindihan.
" Just call me if you need anything " yon lang ang sinabe ng matanda at umalis na.
" She's annoying as hell " bulong ni Stin kaya nilingon sya ni Clian.
" That's her normal" sagot ng isa sa mga kasama nila.
" Kelan pa naging normal ang ibigay sa iisang tao lahat ng trabaho? " sagot sakanya ni Stin.
" Maybe now? " sagot naman ng babae na kasama nila.
" Shut your ass up Vinnie " at tinalikuran kami, ngunit hinde pa sya nakakalayo ng humarap sya saamin—saakin pala atsaka inangkla ang kamay saakin.
" She's coming with me " sabi nya sa kasama at inakay ako papalayo. Malapit lang naman ang nilakad namin at nakarating na kami sa isang condo type office na may kulay na black and gold.
" You will also recieve a place like this,right after the ceremonies " biglang sabi nya habang inaalis ang heels nya.
" Ha? Ceremonies? " takang tanong ko sakanya.
" Wala ka talagang alam? You're a high ranking personnel here " tanong nya pabalik.
High ranking personnel? Ako? Saan? Bakit? Paaano? HA?
" Ano bang sinasabe mo? " tanong ko ulit sakanya.
" Psh, wala ako sa posisyon para magsalita, okay? Sinama kita dito para i assist ka, ang sabi ni inang Diablo ay wag ka daw aalis ng hinde kami kasama understood?" tumango nalang ako bilang pag sang ayon.
BINABASA MO ANG
When Life Is Pointless
Mystery / ThrillerWhen life is lifeless, when the sun is not the brightest , when the quiet night is the loudest, when will I stop saying when?