Chapter 6

13.4K 388 21
                                    

RAQUEL
#BAWAL NA HALIK

Mahabaging langit! Saklolo!

Napadasal na naman ako ng wala sa oras! Sosmaryosep santisima!

Kitang- kita ko kase ang isang hubad na babaeng gumagalaw sa ibabaw noong lalaki, habang nakahiga ito.

Dinig ko pa ang tunog ng kanilang mga katawan habang umuungol silang dalawa.

Nakatukod ang babae sa dibdib noong lalaki, na si Mr. Aragon pala! Habang si Mr. Aragon naman ay nilalalmukos ang magkabilang dibdib ng babae!

Sosmaryosep! Mahabaging langit! Patawad Po! Ako'y nakakita ng hindi dapat makita ng aking mga mata!

"Oohh! Shit! I'm cumming!!" Hiyaw ng babae, parang nasasarpan 'yata?

"Fuck! We have an intruder!" Si Mr. Aragon. Nakita niya ako!

Natulos ako sa'kin kinatatayuan. Bigla na lang din bumilis sa kaba ang puso ko ng makitang sabay silang lumingon sa'kin, kasabay din noon ay biglang may humawak sa'kin braso sabay takip ng palad sa aking mga mata.

Tumama ang likod ko sa matigas na dibdib habang ang palad naman nito ay malaki at mainit.

"Sorry, boss. Naligaw ang kapatid ko." Narinig ko ang malalim na boses ni Ginoong Colosas sa'kin likod, na aking kinapitlag sa kaba.

Akma akong magsasalita pero mabilis akong nakabig paharap ni Ginoong Colosas, kasabay ng paghila niya sa'kin palabas ng silid.

Kinurap- kurap ko ang aking mga mata at kita kong hawak pa din niya ako sa'kin braso.

"Damn it! What are you doing?" Napapitlag ako sa gulat ng isandig ako ni Ginoong Colosas sa pader tsaka kinorner ng malaki niyang katawan.

Ngayon ko lang din nadinig ang malalim at galit nitong boses.
Napakurap pa ako sa matiim niyang mga mata na may halong talim doon.

Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko, kakaiba ang pintig nito.

Lalo pa at sobrang lapit ng mukha niya sa'kin!

"N-nahulog kase ang wallet ng babae kaya sinundan ko siya para isauli iyon sa kaniya." Nauutal kong bigkas sa kaba.

Nagsalubong naman ang medyo may kapalan nitong kilay bago lumihis ang mga mata nito sa'kin kamay.

"Where is it?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang wallet.

Natingnan ko naman ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko ng wala na iyon sa'kin kamay!

"Hala! Nasaan na iyon?" Natataranta kong sabi na tiningnan ang isa ko pang kamay pero wala din doon, pati sa sahig ay wala din.

"Huwag mo nang pansinin iyon—"

"Baka nahulog doon sa loob!" Akma akong aalis ng biglang may humarang na braso sa'kin gilid.

"Gusto mo talagang saksihan ang ginagawa nila doon, huh?" Tumaas ang isang makapal na kilay niya.

Pagkarinig sa sinabi nito ay agad na uminit sa hiya ang aking mukha, pagkaalala noon sa nakita ko.

Mabilis akong umiling. "H-hindi na!"

Tumaas ang sulok ng labi ni Ginoong Colosas.

"Tsk. Let's go. " Hinawakan niya ako sa kamay at hinila kaya napasunod ako ng lakad, sobrang bilis pa niya.

"Nasaan si Miss Kellian?" Tanong ko ng makitang papalabas kami ng bahay.

"Nasa loob." Tipid nitong sagot tsaka binitawan ang aking kamay ng makarating kami sa motorbike nito.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon