RAQUEL
#PANGAHAS"You caught my heart, Raquel."
Ulit niyang sambit na kinatigil ng paghinga ko, tulala akong nakatitig. "Sobrang pagnanasa ko din sa katawan mo. Alam mo ba 'yon?"Hindi ko man maintindihan ang sinasabi ni Ginoong Colosas, pero nagbigay iyon ng kilabot sa buo kong katawan. Tumatayo ang balahibo ko.
"B-bitawan mo na ako, Ginoong Colosas." Seryoso kong sabi ng matauhan ako. "Hindi kaaya-aya itong ayos na'tin. Kasalanan ito." Dugtong kong pakiusap sa kaniya.
Napakislot ako ng gumapang sa braso ko ang palad niya papunta sa leeg ko, at huminto iyon sa batok ko. Tsaka mas inilapit niya pa ang mukha kung kaya't dumikit ang matangos niyang ilong sa mapango kong ilong.
Napapikit ako at pilit siyang itulak ngunit mas mapwersa ang katawan niya kumpara sa'kin. Kahit lasing siya ay malakas pa din. Nagagawa din niyang sabihin ang mga makasalang salita, na labag sa'kin at sa Itaas.
"Mas gusto ko itong ayos na'tin." Bulong niya sa tenga ko, napadilat ako sa kilabot na mula sa hininga niya.
Namumungay ang mga mata niya. Kung magsalita siya ay parang hindi lasing. Hindi nga din alintana ang sugat sa palad niya na nasa batok ko.
"L-lasing ka, Ginoong Colosas. Makasalanan ito. Patawarin ng Diyos itong ginagawa mo." Nagawa kong sabihin kahit gahibla na lang ang distansya ng mga labi na'min, sinasadya niyang idikit sa'kin.
"Kasalanan ba kung tumibok ang puso ko sa'yo, Raquel?" Pagdiin niya sa kaniyang mga kataga.
"B-bakit mo ba sinasabi iyan? Ngayon lang tayo nagkita, Ginoong Colosas. Lasing ka." Nahihirapan man akong magsalita ay nagawa ko pa din sabihin iyon sa harap niya.
Medyo niya inilayo ang mukha mula sa'kin, pero hindi nagbabago ang paraan ng pagkakatitig niya.
"Matino ang utak ko ngayon. Katawan ko lang ang lasing." Sinalubong niya ang mga tingin ko. "Na love at first sight ako sa'yo, Raquel." Diretsahan niyang sabi.
Umawang ang labi ko sa sobrang gulat. Hindi ako makagalaw at paulit-ulit na umecho sa'kin pandinig ang sinabi ni Ginoong Colosas.
Panginoon ko... Tama po ba ang narinig ko mula sa labi ni Ginoong Colosas?
Ako'y gusto niya? Mahabaging langit!
Linisin Niyo po Diyos ko ang isip ni Ginoong Colosas laban sa kalaswaan ng iniisip niya. Patawarin Niyo po siya.
"N-nagdedeliryo ka na sa kalasingan, Ginoong Colosas. Ako'y Madre, paano mo ito nasasabi sa harap ko at sa harap ng ating Diyos? Maghunos dili ka."
Pagpapaintindi kong sabi na agad naman niyang kinailing, nakangisi pa din siya habang nakatitig sa'kin.
Pinagapang na naman niya ang isang palad mula sa braso ko, paakyat sa panga ko. Pinisil niya ng may diin kung kaya't napaawang ng husto ang labi ko, napatitig siya sa labi ko.
"Handa ako na ipaglaban ka mula sa Diyos, Raquel." Biglang pagseryoso ng mukha niya. Puno ng emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa'kin, hindi ko magawang kumurap sa aking narinig.
"Patawarin ka ng Diyos sa sinasabi mo, Ginoong Colosas—" Napatigil ako ng biglang inangkin ni Ginoong Colosas ang labi ko. "Uhm!"
![](https://img.wattpad.com/cover/226597497-288-k394537.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:7- The Mafia Bodyguard
Ficção GeralColosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuwas ng Maynila ang Madreng si Raquel upang isalba ang Kombentong nanganganib na mawala sa kanila. At sa isang gabi ay makikilala nito ang bin...