Raquel
#MEET HIMMabilis kong tinungo ang opisina ni mother Isabelle at nang makarating ako ay mahina akong kumatok sa pinto.
"Come in." Nang marinig ko iyon ay tinulak ko ang pinto at pumasok sa loob.
Kita kong abala si mother Isabelle sa maraming mga papeles, na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.
"Magandang umaga po, mother Isabelle." Nakayuko kong pagbati sa kanya na kinaangat ng kaniyang mukha.
"Anong kailangan mo, sister Raquel?" Lumapit ako sa kanya, naupo sa kaharap niyang bangko.
"Totoo po ba ang balitang kukunin na po ng may-ari itong lupang kinatatayuan ng kombento na'tin?" Nangangamba kong pagtanong.
Napahinga si mother Isabelle ng malalim bago inayos ang kaniyang salamin bago tipid na tumango sakin.
"Oo, sister Raquel."
"Paano po tayo kung kukunin nila itong kombento?" Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses, na agad kong kinahingi ng paumanhin kay mother Isabelle. "P-patawad po sa pagtaas ng aking boses."
"Naiintindihan kita, sister Raquel. Pero wala na tayong magagawa kong gusto nang kunin ito ng may-ari sa'tin." Malungkot nitong pahayag na kinalungkot ko din.
Matagal na kami sa lugar na ito at dito lumaki. Maraming mga masasayang alaala ang nangyari sa loob ng kombentong ito, mga alaalang hindi matutumbasan ng anumang bagay.
Kung aalis kami ay paano na ang mga batang inaalagaan namin dito?
Wala kaming malilipatan at tiyak akong hindi naman nagbigay ng panibagong lote ang may-ari nito para makalipat kami kahit papaano.
Mas inaalala ko ang kalagayan ng mga bata kaysa sa'min.
"Wala na po bang ibang paraan para pigilan ang may-ari na kunin itong kombento na'tin?" Tanong ko.
Nawalan ako ng pag-asa ng umiling sakin si mother Isabelle.
"Wala na, sister Raquel. Balita ko ay gagawin itong casino at hotel."
Malawak itong lugar kaya siguro iyon ang naisipan ng may-ari.
Kung ganoon ay wala na talaga kaming pag-asa na manatili pa dito.
Saan kami ngayon pupulutin nito.
Diyos ko, sana po huwag Niyo kaming pababayaan.
Mariin at pikit mata kong nahawakan ang rosaryo ko.
"Aalis na po ako, mother Isabelle." Tumayo ako at nagpaalam sa kaniya na kinatango naman nito.
Nanghihinang lumabas ako ng opisina ni mother Isabelle. Mayamlay na tinungo ko ang silid naming mga sister's.
Pagpasok ko doon ay natingnan ako ng mga kasamahan ko.
Naupo ako sa higaan ko bago ako napalumbaba sa tuhod ko habang nakatingin sila sakin.
"Sister Raquel, anong balita sa pagpunta mo kay mother Isabelle?" Tanong sakin ni sister Agnes.
Umiling ako sabay buntong hininga ko ng malalim.
"Papaalisin na tayo. Ang Kombento na'tin ay pagtatayuan ng casino at hotel." Kita ko sa mga mata nila ang lungkot, takot, at pangamba na nararamdaman ko din ngayon.
"Ayokong umalis tayo dito! Bahay na'tin ito kaya may karapatan tayong ipaglaban ito!" Seryoso at puno ng katapangan na sabi ni sister Veronica.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:7- The Mafia Bodyguard
Fiksi UmumColosas Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES "Kasalan itong ginagawa mo sa'kin maghunos dili ka, Ginoo..." Lumuwas ng Maynila ang Madreng si Raquel upang isalba ang Kombentong nanganganib na mawala sa kanila. At sa isang gabi ay makikilala nito ang bin...