Chapter 1- GOING HOME

53 3 0
                                    

Paris, France

"Tol, nasabihan ka na ni Kuya White? Uwi na raw tayo sa Pilipinas next week."

Hindi na naman maipinta ang mukha ni Red Arthur nang lingunin niya ang kambal niya na si Blue Terrence na noo'y nakangising pumasok sa loob ng gym niya. 'Tss.. Ipaalala pa daw ba?' Pagngingitngit niya sa utak. Pinaalala pa eh. Eh halos di na nga siya makapag-focus kanina habang  nasa gitna siya ng photoshoot nila ng mga kapwa niya modelo sa isa sa pinakasikat na fashion magazine sa buong mundo, ang Forbes magazine. Oo, isa siyang modelo. At hindi lang isang typical na modelo, kundi isang napakasikat na modelo. But he's also businessman though. Di nga lang siya masiadong nagfo-focus sa company nila sa France. Kasi mas naka-focus siya sa yumayabong na career niya ngayon. And speaking of career, mukhang di na muna siya makakapag-focus dun ng ilang araw. Dahil ikakasal na ang Kuya White Francis nila sa Pilipinas. At areglado silang lahat na mga kapatid nito na uuwi muna ng bansa. Nagsalubong na naman ang mga kilay ni Red. Eh kasi naman, nilibang na nga lang niya ang sarili niya mula sa pagji-gym simula nang makauwi siya ng bahay niya galing sa photoshoot nila para di na mag-isip ng kung anu-ano sa nalalapit nilang pag-uwi sa Pilipinas, tapos heto't biglang sumulpot na naman ang kambal niya sa gym niya na parang kabute at pinaalala sa kanya ang bagay na yon.

Tumigil siya sa pagbubuhat ng barbel, tumayo at kinuha ang towel at ang bottle ng Gatorade saka lumagok niyon.

"Alam ko. Tinawagan rin ako ni kuya before our photoshoot started," walang kangiti-ngiting sabi ni Red habang pinuponasan ang pinapawisang katawan.

Lalo siyang nairita nang mas lalo pang ngumisi ang loko bago tinungo ang bar counter sa kaliwang panig ng gym saka pumasok sa loob room at kumuha ng winw bago siya binalingan. "Excited ka na 'tol, no? Dahil sa wakas, masisilayan mo narin ulit ang mukha--"

"Wag mo kong simulan hayop ka," agad na bara niya kay Blue sabay irap rito ng pagkatalim-talim.

"Mukha naman kasi ng Pilipinas ang ibig kong sabihin, tol. Ito naman galit agad," natatawang saad nito at idinagdag, "Mukha ng Pilipinas ha? Mukha ng Pilipinas. Hindi mukha ni Genny," tumatawang saad pa ng damuho.

Nanggigigil na binato niya ito ng hawak niyang plactic bottle ng Gatorade.

"Whoa!"Sapol sana ito sa mukha kung di lang nakailag eh. Sayang.
"Détends-toi, frère!" Natatawa paring saad nito sa salitang French na ang ibig sabihin ay "Relax, brother".

Inirapan niya ang kambal. "C'est pour être un crétin." (That's for being such a jerk)

"Lol. Ako pa ngayon ang jerk eh ikaw nga tong hanggang ngayon ay galit parin kay Genny eh," ani Blue at nagsalin ng wine sa dalawang rockglass. "Ba't ba kasi mula noon hanggang ngayon galit ka parin sa kanya? Mabait naman si Genny ah?"

I Can Be Your HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon