Chapter 4- THEIR FIRST STRIKES

27 2 0
                                    


"Blueeee, dito tayo sa backseat umupo please?"

Pa-cute na sabi ng walang utak niyang kapatid kay Blue na noo'y napangisi sa sinabing iyon ni Heaven.

"Sure thing, honey." Sabi ng hudyong si Blue sabay akbay kay Heaven at kumindat pa. Tapos ang haliparot niyang kapatid ay nagpakita naman agad ng kilig sa katawan!

"Yey! Thank you, Baby Blueee!" At lumingkis pa ito kay Blue na parang linta!

'Aba matinde!' Nanglilisik ang mga matang gigil niyang bulalas sa isipan.
Akmang papasok na ang dalawa nang bigla niyang tinawag si Heaven.

"Hoy, babae! Dito ka sa front seat umupo!" Aba dapat lang na sa front seat sumakay ang kapatid niya no? Kasi kung ang dalawa sa backseat, so sino magiging katabi niya sa front seat? Si Red? No way! Magpapasagasa nalang siya ng sasakyan kaysa tumabi rito no! Duh?

Ngumuso si Heaven. "But.. Magkakamustahan pa kami ng Baby Blue ko eh. Diba, Baby Blue?"

Tumingin naman agad si Blue sa kanya. "Ah eh.. Pwde ba Genny?"

Nameywang na siya. "Hindi nga pwde, Blue! Dito siya sa tabi ko uupo and that's final!"

"Eh bakit nga hindi pwde? Sabi ng dito kami uupo ni Blue eh kasi magkakamustahan kami eh," nakanguso pa si Heaven nang sabihin yon at pumulupot ang braso kay Blue. Animo'y nagpapakampi. Nahilot niya ang sentido.

"Heaven, please." Napakatigas talaga ng ulo ni Heaven!

"Ayoko nga kasi, dito lang ako sa tabi ni Blue, at ikaw naman, sa tabi ni Red."

Pumutok ata lahat ng ugat niya sa ulo sa narinig. "What?! Heaven!"

Natawa naman si Blue. Habang sa sulok ng kanyang mga mata ay makita niya si Red na tahimik lang na nakatayo room habang nakapamulsa sa suot nitong dark brown leather jacket at nasa malayo ang tingin na tila bored na bored na roon sa sagutan nila ng kapatid. Napaismid siya.

"Alright." Boses yon ni Blue. "How about, ako na magda-drive at kayong dalawa naman ni Heaven ang uupo sa backseat tas si dude naman ang tatabi saken dito sa front seat?"

Napanganga siya at nameywang.
"So ikaw na may-ari ng kotse ko ngayon?" Asik niya kay Blue pero kay Red siya lihim na umirap. Wala ba talaga itong balak magsalita roon?

Natawa si Blue. "Non j'essayais juste d'être un gentilhomme ici." (No I was just trying to be a gentleman)

Napataas ang kilay niya. Ano daw?
Ngunit mas lalong tumaas ang kilay niya nang biglang may nagsalita.

"Dude."

I Can Be Your HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon