Chapter 2- GOING HOME p2

29 2 0
                                    


(A night before their paths cross again)

"What?!" But, Ma! Ba't pati ako? Eh alam niyo namang on leave pa ako ngayon with Dave diba? Tsaka nandiyan naman si Heaven so siya nalang mag-isa sumundo sa kanila bukas pwede?"

"No. Sasama ka bukas. Saka natawagan ko na si Blue the other pa na kasama ka sa susundo sa kanila ni Red so they're probably expecting your presence tomorrow. Kaya dapat kayong dalawa ang susundo sa mga kinakapatid niyo bukas, maliwanag ba?" Pagmamatigas pa ng mama niya sa kabilang linya.

"But, Ma! You'd be spoiling everything! Si Heaven nalang please? Ngayon nga lang kami ulit nagkaroon ng time alone with each other tapos--"

"Mas importante pa sayo ang makasama ang boyfriend mo keysa ang pagsundo sa mga kababatang kinakapatid mo bukas?" Puno ng hinanakit ang tono ng pananalita nito sa other line so she sighed.

"Ma, hindi naman sa ganun. It's just that--"

"Ah basta. Uuwi ka dito ngayong gabi at sasama ka sa pagsundo sa mga kinakapatid ninyo bukas sa airport and that's final."

"B-But, Ma--"

"Or else," then inend na nito ang tawag.

"Shit!" Nagngingitngit ang kaloobang tinapon niya ang cellphone sa wall ng room nila ni Dave tapos bumuntong-hininga in frustration. 'Ngayon pa tsk! Nakakainis talaga!'

"Babe.."

Naramdaman niya ang pagyapos ng nobyo mula sa kanyang likuran at hinalikan ang balikat niya. Naka-spaghetti-strapped lang kasi siya. She sighed again.

"Your mom again? Hmm?" He asked and mas hinigpitan pa ang pagyapos sa kanya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya.

"Yeah. And she wants me to go home already kasi tomorrow na pala ang arrival ng mga godsons nila ni Dad na dun na namalagi sa Paris. Sila kasi yong dalawa sa mga kapatid ng groom ni Sissy Nelica na si Kuya White."

"And you're the bride's cousin and one of the bride's maids. So I assume, that on their wedding day, baka isa sa mga kinakapatid mong yan na halatang kinagigiliwan ng mama mo ang magiging partner mo ron," puno ng pagtatampo at panibugho ang nabanaag niya sa boses ng nobyo nang sabihin iyon.

I Can Be Your HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon