Prologue

33 1 1
                                    

Pleiades, Year 3030

Habang nakasakay sa bus ay hindi maiwasang mapangiti ng babae, habang ang kaniyang mga mata'y nakatutok sa labas. She missed the fresh, green vistas of the countryside. Thirty minutes more, and she will once again see her hometown and, most of all, her five-year-old child.

"Mom's coming,George. Just wait for me, okay?"

Ipinikit niya ng kaniyang mga mata at nagpakalunod sa kaniyang imahinasyon kung paano siya sasalubungin ng kaniyang anak. Just a single "Mama" and a tight hug from her son would wash away her sadness.

She fell asleep in just a minute. Samantala, nagimbal ang driver ng bus dahil sa kaniyang nakita hindi lamang sa gilid o gitna ng kalsada kundi maging sa mga kabahayan. People are dying and eating each other.

Kaliwa't kanang sigawan ang maririnig sa loob ng bus at sa hindi inaasahang pangyayari, inatake sa puso ang driver, kaya't nagpagewang-gewang ang sasakyan saka ito bumangga sa malaking puno ng narra.

The woman slowly opened her eyes. She can feel the pain in her head, where fresh, warm blood streams down her cheeks. She's slammed to the floor, and her baggage is wrapped around her. Pagkakuha niya sa bagahe ay napatakip siya ng bibig nang mapagtanto niyang puro dugo ang nasa upuan at sahig ngunit wala ang mga pasahero!

"Anong nangyayari?" Nanghihinang bulong niya, saka siya nakarinig ng napakalakas na tili mula sa labas.

Unaware of what was currently happening, she slowly stood up and walked toward the door. Pagkaapak niya sa sementadong kalsada, nasuka siya sa bumungad sa kaniya. Bloods. Human entrails. Dismembered bodies.

Nang makabawi siya, kaagad siyang tumakbo, habang iniinda ang sakit ng kaniyang ulo. Kailangan ako ni George ngayon, sa isip niya. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang isang babaeng nakaupo patalikod sa kaniya habang sa harapan nito ay may nakahigang katawan.

"Miss! Miss!"

Lumingon ang babaeng wasak ang mukha habang ngatngat pa ang parte ng tiyan ng taong nasa harapan nito, napahinto siya. Nanigas siya habang pinagmamasdan ang paika-ikang paglakad ng babae.

"Imposible, paanong..."

Nakarinig siya ng mga ungol; hindi siya makapaniwala kung saan ito nanggaling. It was dreadful. Sobra pa sa mga pelikulang napanood niya.

"Z-zombies?"

They are approaching her, and all she can think of is survival—not hers but her son's. Kailangan niyang makaalis dito ngunit wala siyang madadalang sasakyan.

"Oh no, God! Please help me!" She cried as another bunch of zombies approached her.

Napatakip na lamang siya ng kaniyang tenga nang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya kasabay ng pagkatumba ng mga zombies na papalapit na sa kaniya.

"Miss, sakay! Dali!" A blue automobile stopped in front of the woman; triggered by her adrenaline surge, she threw herself into the rear seat.

"Ayos ka lang ba? I'm Marty, at siya naman si Roland," turo nito sa lalaking tahimik na nagmamaneho.

"Maraming salamat, ayos lang ako. Alice, I'm Alice. A-anong nangyayari? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganoon." Naguguluhang bulalas ng babaeng si Alice.

"There was an outbreak in Andromeda yesterday; ngayon lang nakarating sa Pleiades media, nakapasok rin ang ibang infected sa border, pero huli nang nakarating ang impormasyon," sagot ni Marty saka ito bumuntong-hininga.

"A-anong ibig mong sabihin?" Ang anak niya! Ilang kilometro lang ang layo ng kanilang lugar mula sa border!

"Please... Please tulungan niyo ako kailangan kong puntahan ang anak ko, maawa kayo sa anak ko!" Alice's heart is about to sink. She's been away for two years because of her job. She's been longing for her only son.

"Pero, Alice, the possibility that he's still alive is..." Pinutol niya si Marty. "N-no, no. I talked to him earlier, and they were okay. Please."

"Pero..."

"Where is it?" Nakahinga ng malalim si Alice nang magsalita si Roland.

"Sa Cosmos, malapit na tayo. Maraming maraming salamat," ibinuhos niya ang kaniyang luha dahil sa galak at pag-aalala. She's praying for his safety. He is her only treasure.

***

This is not what she imagined. Imbes na maaliwalas na bayan ang maaabutan niya ay madugo at gulo-gulo nilang bayan ang bumungad sa kaniya. Instead of a hug, it's their messy house. Wala ang anak niya at maging ang kapatid niyang nag-aalaga rito.

"George, Ashley? A-andito na ako, kailangan na nating umalis."

Maliit lang ang bahay nila, kaya nang hindi niya mahagilap ang dalawa sa sala at kusina ay tinakbo niya ang kwarto habang nakasunod sina Marty at Roland.

Sunod-sunod na luha ang pumatak sa kaniyang mga mata nang maabutan niya sa kwarto si Ashley na hinahabol ang kaniyang hininga. "Ashley!"

"A-Ate, si George."

"Shh, shh, gagamutin ka ni Ate. Saan galing ang...ang sugat mo?" Pinasadahan niya ng tingin ang sugat sa braso ng kapatid saka ito niyakap.

"Someone bit me. Ate, pinatakas ko s-si George. P-pinasama ko." Hindi natapos ni Ashley ang kaniyang sasabihin dahil agad itong nangisya na ikinahagulgol ni Alice.

Another nightmare occurred. Ashley started to growl, and after a few seconds, she turned to Alice as if she were hungry. Sa harapan mismo ni Alice binaril ni Roland si Ashley sa ulo. Ramdam niya ang pagtilamsik ng dugo ng kapatid sa kaniyang mukha.

"We need to go, pack all the things that are necessary. We have to survive," ani Roland saka nito tinalikuran si Alice na tulala at hindi pa rin nakakabawi sa nangyari.

"Alice, listen. She said that George was with someone; get back to your senses. You need to be strong so that you will be able to find him, okay?"

She feels numb. Her sister just died, and she doesn't know where her son could be.

"ALICE! Dumadami na sila sa labas, kailangan na nating umalis!"

She is unresponsive, and that made Marty slap her hard.

"I'm sorry, I'm sorry," Alice burst out.

"Look, Alice, you have to be strong, okay? For your son, let's go."

***

Village Of The Lost (Andromeda Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon