Chapter 2

42 18 10
                                    

"Bakit ka nandito?"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng makita ang babaeng kasama ng kuya ko.

"Anak", sabi ni mama.

"Bakit mo siya dinala rito kuya?", tanong ko kay kuya.

Umiyak si mama ng umiyak, ganoon din si kuya. Lumuhod si mama sa harapan ko,

"Anak, patawarin mo 'ko. Hindi ko sinasadyang umalis, ginawa ko lamang 'yon para sa kinabukasan niyo ng kuya mo.", umiiyak siya habang sinasabi ito

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at mas lalong hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Mama!", umiiyak ako habang inaawat ako ni kuya sa pagtakbo patungo kay mama.

"Mama, don't leave me please!", pagmamakaawa ko.

Umiyak ako lalo noong nakita siyang sumama sa isang lalakeng hindi naman namin kilala. Aalis na sila patungo Amerika at dun na titira, I hated myself for not doing anything. Hindi ko siya napigilan sa pag-alis, I've hated everyone since then.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Narito na yung taong pinapangarap ko na bumalik noon, andito na ulit siya.

"Andito ka na ulit, andito ka na ngayong kaya ko na mag-isa."

Umiyak siya ng umiyak at nag-makaawang papasukin at magsasama-sama na raw kami ulit.

"Alam mo bang dahil sayo nawala si Papa?" sabi ko.

"Dahil sayo! Dahil sayo nawala yung taong andyan lagi para sa akin."

"Dahil sayo, nawala sakin yung taong ginawa yung dapat mong gawin. Minahal niya ako, andun siya nung wala ka!", galit na galit ako at  lumabas ng bahay.

To liam:
pwede bang dyan muna ako sainyo?

From liam:
Oo, ano bang nangyare? Dumating ba siya?

To Liam:
Ikukwento ko sayo pagdating ko diyan.

"Hija, tuloy ka", bati sakin ng mama ni Liam

"Salamat po tita", at umupo na ako sa upuan nila.

Hindi na bago na pumupunta ako dito sa bahay nila Liam. Lagi akong nandito noon kasi mag-isa lang ako sa bahay noon.

"Kain ka muna hija"

"Ah, salamat po tita", sagot ko.

"Ano bang nangyari?", tanong ni Liam sakin.

"Ayaw ko doon, naalala ko lalo yung mga panahon na nasasaktan ako.",sagot ko.

Alam ni Liam ang tungkol kay mama, andun kasi siya nung namatay si papa. Siya yung nagdala sakaniya sa ospital kasi wala roon si kuya. Siya yung binilinan ni Papa sakin kasi si kuya, pumunta sa U.S para sundan si mama.

"Pa!" sigaw ko

"Pa, gumising ka pa wag mo 'kong iwan", umiiyak ako habang sinasabi ito.

"Anak, mag-iingat ka ha? Magpakatatag ka, wag kang panghinaan ng loob."

"Pa wag mo namang sabihin yan, Pa hindi ko kaya Pa."

Time of death - 5:30 am

Bumigat bigla ang pakiramdam ko, para bang may bumugbog sa dibdib ko.

Yung taong akala ko ay hindi ako iiwan, ay iniwan ako.

"So, pano na yan sas?", tanong sa akin ni liam.

"Pwede bang dito muna ako  habang hindi ko pa alam kung ano ang gagawin?"

"Pwede ka naman dito kahit kailan ang sa akin lang, wag ka sanang mag-tanim ng galit sa Nanay mo kasi nanay mo padin yun", sabi niya.

They Call Me Sasi ( Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon