Chapter 4

28 16 3
                                    


"Gusto mo'ko?"

Nagulat ako nang may bumulong sakin

"Nalilito ako Liam, paki-explain" sabi ko sakaniya

Hinatak niya ako papunta sa may fountain sa labas ng restaurant

"Liam" I stopped him

"What's going on?" tanong ko

"Di mo ba gets? Gusto kita, Sasi" pagtatapat niya

Hindi ako makagalaw nang sinabi niya yun

Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Gusto niya ako?

"Gusto kita, matagal na, bakit kasi hindi mo makita?"

"Hindi mo ba maalala nung una kong pagtapat sayo?"

Nagtapat siya? Kailan?

Nang natapos, umuwi na kami

"Bye guys, hoy Liam take good care of Sasi ha, baka she'll get lost" bilin ni Ean

"Grabi naman to, ginagawa kang bata Sasi" tumawa sina Liam at Kine

"Ikaw? pano ka uuwi Ean?" tanong ko

Nakita kong kinuha ni Ean ang susi sa bulsa ng kanyang shorts

"I can drive naman" sabi nito sakin

"Pwede pala 9 years old mag-drive?" pagbibiro ni Liam

Hinampas ni Ean ang ulo ni Liam ng sling bag niya

"Aray!"

"Ay mali, Arouch!" pang aasar nanaman ni Liam

Nang-makauwi na kami, walang tao sa bahay nila, kami lang dalawa

I felt the awkwardness while we were alone

Sino ba namang hindi ma-weweirdan nang malamn mong may gusto pala sayo yung bestfriend mo? Tapos kayo lang dalawa sa isang bahay?

Nagising ako kasi ang ingay sa baba, parang may nag-aaway

Rinig ko ang boses ni Liam, para siyang galit pero nasasaktan

Bumaba ako para tignan kung ano ang nangyayari at doon nakita ko ang isang lalake na lumuluhod sa harapan ni Liam

Humihingi siya ng tawad, hindi ko kilala ang lalakeng ito hindi rin siya pamilyar sa akin

"Forgive me, my son" sabi ng lalake

"Forgive me for leaving you and your sister, I'm really sorry for everything"

"You're sorry?" sambit ni Liam

"All you can say is sorry? After you left us while we were having a really hard time and all you say is sorry?" dagdag pa nito

Nagulat ako kasi fluent pala si Liam sa english

SENE ELL!

Inaawat ni tita si Liam kasi baka masuntok niya 'tong lalake, mahirap na gasto sa ospital no!

"I'm sorry son, please forgive me, I want us to be a family for once just give me another chance"

Foreigner yung lalake, parang Australian o Amerikano ata

Kamukha niya si Liam, matangkad, maputi, malaki ang mata ngunit hindi naman gaano kalaki sakto lang at tsaka ang bango

Aakyat na sana ako para hindi ako makagulo

Muntik na akomg mahulog nang na apakan ko yung laruan ng kapatid ni Liam

Masakit kasi yung kamay ng barbie yung naapakan ko ang tataas ng kuko, pero infairness parang naka nail care every week

They Call Me Sasi ( Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon