Chapter 3

27 17 1
                                    

"Can't you just let me be?"

"Pano niyo nalaman na andito ako?Ean? Did you tell them?" naiinis kong tanong

"No, I swear I never told them kung where you are"

Ayaw kong pagbintangan si Ean kasi alam kong di niya naman sila sinabihan, hindi siya ganon

"Huwag mong pagalitan ang kaibigan mo, sinundan namin siya kasi nagbabakasakali kaming doon siya pupunta" paliwanag ni mama

"Bakit niyo ba ako minamadali? Hindi ba pwedeng hayaan niyo muna ako?"

Galit ako na para bang nasasaktan ng sinabi ni mama na...

"Mahal kita anak ko, hindi man ako ang kasama mo noong kailangan mo nang pagmamahal ko pero andito na ako ngayon. Sinakripisyo ko ang buhay ko para mabuhay ka, kayo ng kuya mo"

"Hindi mo naman kailangang umalis, maraming paraan" sabi ko sakaniya

Pumunta ako sa kwarto ni Liam kasi hindi ko kayang magalit sa nanay ko, ayaw kong buhusan siya ng sama ng loob

"Sasi" kumatok si Liam

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya

"Sabi ko kay tita bigyan ka muna ng ilang linggo para makapag-isip at para mawala na 'yang galit mo"

"Umalis nadin sila Tre at Jel" sabi niya

Nagpasalamat ako sakaniya dahil kahit nag-aaway kami, andito parin siya para sa'kin

"Salamat ah" sabi ko

"Wala lang 'yon, ikaw pa? Ang lakas mo kaya sa'kin" sagot niya naman

"Hija, kain na kayo" pag-aaya ni Tita

Pagkababa namin, naaamoy ko na ang adobo

"Kumakain ka ba nito hija? Ito niluto ko kasi paborito to ni Lei" pag-papaliwanag niya

Tumango lang ako at binigyan siya ng ngiti sa mukha ko habang si Liam naman ay parang naaasar o naiinis kasi ibinuking ni Tita ang 'long-time secret niya'

"May sinigang naman doon hija, 'di ko lang ihinain kasi alam kong ayaw ni Lei noon eh"

"My" naaasar na ata tong si Liam eh HAHAHA

Ayaw niya sa sinigang?

"LIAM!" tawag ko

Hinatak ko siya

"Ano?" tanong niya habang tinatanggal yung kamay ko sa braso niya

"Anong paborito mong ulam?" tanong ko

"Bakit? Kahit ano naman kinakain ko"

Well, mukha nga namang kumakain to nang kahit ano

"Pano kung sinigang?"

Tumango siya at sabing

"Oo naman, bakit?"

"Nag-luto kasi ako kanina eh, gusto mong tikman?"

"please" ngumuso ako

Tumango siya at kinuha yung lalagyan ng sinigang sa kamag ko

"MASARAP BA?" masayang tanong ko

"Oo, oo sobrang sarap" sagot niya naman

Inubos niya yung niluto ko, masaya naman ako kasi may nagkagusto sa luto ko

"Ayaw mo pala sa sinigang?" tanong ko

Tinignan niya ako at ngumiti

"Ano? Oo at hindi lang yung sagot"

They Call Me Sasi ( Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon