PROLOGUE

124 23 17
                                    

"SASI! SASI, SASI! GISING NA"

"AHH!!"

Nagulat ako nang makita ang manok na nagsasalita, alam nito ang pangalan ko.

"TAN-TANAN MO'KO ANONG KAILANGAN MO SA'KIN MANOK? MAY SUPER POWERS NABA AKO UPANG MAINTINDIHAN ANG SINASABI MO?", sabi ko sa manok.

Mukha nito'y di ma-wari, litong-lito sa sinabi ko na para bang nag-didiscuss ako ng lesson.

"TANGA! Epekto nga naman ng sampong kape!"

Nagulat ako ng naging si Jelaine yung manok na kausap ko.

Diko na talaga alam anong pinag-gagawa ko sa buhay ko, ang hirap kaya ng kursong to.

"Sorry na, haist sakit ng ulo talaga tong kursong to eh" kinakamot ko ang ulo ko.

"Kumain kana, nag-luto na si Ean ng almusal"

Tumango ako at umalis na si Jelaine sa kwarto ko.

Habang nag-liligpit ako ng higaan ko ay biglang may nag-text sa akin.

From pogi:

Inantay mo ba ako, Sasi?

From pogi:

Naalala mo paba ako?

Kumunot ang noo ko nang nabasa ko 'yon

Sino 'yong Pogi? at paano ko siya nakilala?

Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng higaan ko, nang matapos ay may notification akong natanggap sa Insta account ko.

Lemair.hades sent you a message

Muntik nang mahulog ang cellphone ko nang makita ko yun.

Seryoso ba 'to?

"Omg, SASI!!" narinig ko ang sigaw ni Ean

Dali-dali akong pumunta sa kusina upang malaman kung bakit siya sumigaw

"Sasi, have you seen Liam' s post?" tanong niya sakin

Binuksan ko ang instagram ko at agad na stinalk siya.

Keeping my promise, no more waiting my love

@lemair.hades

Nakita ko ang post ni Liam, sumunod naman rito ang comments ng mga kaibigan niya.

@Sha.yen

- Go get her ler!

@Kine.morales

- Wohoo!! Go bro we're here to support you!

@Akosidrewsinokaba

- Ako na ninong ng kasal!

@Gerald.ku

- Ayan marupok! HAHA BENTA NIYOKO!

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at dapat kong maramdaman.

Yung taong matagal kong inaantay, andito na.

I'm happy and the same time nervous, I found myself overthinking.

Binalikan niya ba ako dahil mahal niya ako? Oh binalikan niya ba ako just to keep his promise?

Kahit ano-ano na ang pumasok sa isip ko, was I worried? Mahal niya pa ba talaga ako?

Pumunta kami ng Arcade nina Ean at Jelaine. Wala namang pasok ngayon at tapos nadin naman ako sa mga gawain ko, tapos narin naman sila kaya goods na.

They Call Me Sasi ( Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon