BAND-AID # 04
HELLO TO GOODBYE???
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[3 DAYS AFTER]
BRENT’S POV
Tulala….
Di makausap ng ayos…
Malalaki ang eyebags….
Amoy alak….
Kung makikita niyo ako ngayon, I look so damn wasted!!! Mas masakit pa ang nararanasan ko ngayon kaysa noong mas pinili ni Hilary si Zephyr sa akin.
3 days ago, sinugod si Kara sa ospital. Itinulak ako nito para hindi ako ang masagasaan ng rumaragasang kotse. Inalay nito ang buhay ang buhay niya bpara sa napakawalang kwentang taong tulad ko. Nagsakripisyo siya para sa tulad kong wala nang ginawa kundi ang saktan ang damdamin niya. And up until now, she’s still under comatose
At mula din noon, hindi ko siya magawang bisitahin. Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari sa kanya. Dapat ako ang nandoon. Dapat ako ang nasa kalagayan niya. Hindi siya…..Bakit siya pa??? Ba’t kailangang siya pa???
Ayoko siyang bisitahin sa ospital dahil natatakot ako. Oo, naduduwag ako na baka ang pagbisita ko na lang ang tanging hinihintay niya para tuluyang buumitaw. Ayoko siyang maalala na nakahiga at walang malay. Ang nais kong manatiling alaala niya sa akin ay yung pag-aalaga at pagmamahal niya…yung pangungulit niya at higit sa lahat, ang mga ngiti niya…..
I sighed. Kara, I miss you. FCK!!! Ba’t ba ngayon pa nangyari ito kung kalian handa na akong aminin na mahal kita????
*toktok..toktok…toktok…*
“Pasok!!!” I said, “Oh, Caleb!!!! Napasyal ka??? Kasama mo din pala yung girlfriend mo.”
“Ah, Sir Brent….may ibibigay po sana kami sa inyo...and aaminin, in fact…” --- Caleb
Napakunot ang nook o, “Aaminin??? Anong aaminin???”
Sumingit ang girlfriend ni Caleb, “Sir Brent, ako nga po pala si Mio Nicole Ochoa, girlfriend ni Caleb at bestfriend ni Kara.”
BINABASA MO ANG
Band-Aid: Mend My Broken Heart (SHORT STORY)
Storie brevi[ DEFINE X's Side STORY ] "Choi B.G.'s ULTIMATE FAN" yan ang maitatawag kay Kara. Lahat alam nito tungkol sa iniidolong K-pop singer na si Brent. Ultimong pagbibigay ng secret love notes ay nagawa na niya. At mas lalo yata siyang pinaboran ng tadhan...