Prologue

20 0 0
                                    

Prince Charming = Gwapo, mayaman, talented, matalino, makinis, mabango, magaling mag basketball, makisig. 'Yan ang checklist para malaman kung prince charming ko ang isang lalaki. 

Laging kinukwento sa akin ng mom ko noong bata pa ako na lahat ng babae ay prinsesa at lahat ng mga prinsesa may prinsipe na nakalaan para lang sakanya -- isang prinsesa at prinsipe na para lang sa isa't-isa.

Simula bata pa ako, mahilig akong manuod at magbasa ng mga fairy tale -- Cinderalla, Sleeping Beauty, Snow White, Beauty and the Beast, Aladdin at syempre and pinaka paborito kong 'The Little Mermaid'. Halos buong pagkabata ko, pinangarap kong maging sirena (libreng tumawa), gusto kong maging kagaya ni Ariel na lahat nalang ng bagay na nagustuhan niya ay napapunta sakanya, at dahil isa akong musmos na pinanganak sa isang mayaman na pamilya, kagaya ni Ariel nakuha ko ang lahat ng gusto ko.

Mga laruan, mga damit na parang prinsesa na ako kung tutuusin; nakuha ko silang lahat. Ngunit isang bagay nalang ang hindi ko maangkin -- ang Prince Charming ko. Pero dahil bata pa ako noon, wala na akong pakielam doon.

Nung nag dalaga ako, naging curious ako tungkol sa subject ng pag-ibig at doon ko naalala ang sinabi sakin ni mom na may prinsipe din na darating sa akin. Sino kaya 'yung prinsipe na 'yun? Makikita ko na ba siya? Kailan? Saan? Paano? Paano kung mukha akong haggard na haggard kapag makikita ko na siya? Hindi kaya ma-turn-off siya sa'kin? Paano na yun? 'Edi mawawalan na ako ng prince charming?

Syempre prepared ako! Kaya nga nadiscover ako at naging artista.

Hay. Isang napaka successful na teen actress na naghahanap ng prince charming niya in real life... nakakatawa 'di ba?

Simula noong tumungtong ako sa larangan na ito, inaamin ko sa lahat ng leading man na naka-tambal ko, akala ko prince charming ko na sila.. pasintabi nalang sa mga nakain pero naging assuming ako noong dalagita pa ako. Hehe.

Gwapo, mayaman, talented, matalino, makinis, mabango, magaling mag basketball, makisig... 'Yan talaga ang mga qualities na hinahanap ko para sa prince charming ko pero bakit... bakit lagi nalang itinutulak ako ng tadhana sa isang lalaking halos walang na-check sa list ko?

Hindi siya gwapo. Sakto lang siya. Mukha siyang pobre. Yung mukha niya lubak-lubak, well, matalino siya kasi siya ang top 1 sa entrance exam sa university na pinapasukan namin, napaka payat niya at mukhang hindi niya kayang tumakbo ng long-term para makapag basketball.. at higit sa lahat wala na siyang ginawa kundi tumutok sa computer niya at maglaro ng... ano nga ba 'yung larong 'yun? League of Legends?

Isang gamer. Isang instant dean's lister na gamer. Isang lalaki na hinding hindi ko manlang pinangarap na makita halos lagi-lagi ngunit itong mapaglarong tadhana puro nalang siya ang tinutulak sa akin.

Hindi sa pag mamayabang pero... maganda ako. Pero bakit siya ang pinupush sa'kin? At kung mamalasin ka pa nga, kaklase ko siya!

Pero... bakit... bakit parang at the back of my mind, sinasabi sa'kin ng kung sino mang omnipotent being na lapitan ko siya? Bakit parang gusto kong andyan lang siya?

Hindi ko alam.

Delikado siguro ito.

Ginugulo lang ako ng isip ko.

Naniniwala parin akong Gwapo, mayaman, talented, matalino, makinis, mabango, magaling mag basketball at makisig ang magiging prince charming ko.

Hello. Ang pangalan ko nga pala ay Roxan. 18 years old, 5 years na akong artista pero sa ngayon nag hiatus para makapag college. Isa akong babaeng pinangarap maging sirena at mahanap ang kayang prince charming... but the boy fate kept on pushing towards me is what I never wished for.

He may be a prince charming for another girl.

But for me, he's not my prince charming.

No, he isn't.

He isn't.

He's not Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon