Chapter 2 - Diana Devilla

16 0 0
                                    

( Roxan’s POV )

            It’s been four days since the encounter I had with Soren. Dahil nga sabi noong professor ko sa Physics na hindi pa naman regular classes at baka next week pa (which is this week na) nga daw magiging regular ang classes. So ngayon, andito na naman ako sa university na pinapasukan ko.

            As usual, madaming nakatingin sa akin, sanay ako sa attention, pero iba kasi ito. Ang awkward. Hindi ko ba alam kung kailangan batiin ko silang lahat kasi nga baka sabihin nila nagtataray ako, hindi ko alam kung hindi ko din sila papansinin kasi nga ang pinunta ko naman dito ay ang pag-aaral at hindi isang mall show o pres-con… pero nginitian ko nalang silang lahat. Mahirap po magkaron ng issue at buti naman hindi pa ako nagkakaron ng issue simula noong nagtrabaho ako sa industriya ng showbiz.

            At dahil Monday ngayon, ang nakalagay sa schedule ko, may PE ako ngayon sa gymnasium. Paano kayo magkakalase sa gymnasium? Para namang walang upuan ata dun?

            “Hay, buti nalang talaga naglibot ako last week dito!” I exclaimed, napatingin naman sa akin yung mga tao, medyo nahiya naman ako sa ginawa ko pero patuloy padin ako sa paglalakad ko papunta sa Gym.

            Kaklase ko ‘din pa si Soren sa PE?

            T-teka! Bakit ko naman ‘yun naitanong sa sarili ko? Dahil gusto ko siyang taguan? T-tama! Dahil gusto ko siyang taguan… pero kailangan ko ba talaga siyang taguan?

            Hay… bakit kasi sobrang laki ng impact sa’kin ng lalaking ‘yun? Dahil ba akala ko siya na ‘yung ibibigay sa’king Prince Charming? P-pero… ‘yung listahan ko. Hindi. Hindi siya. May listahan ako.

            Napabuntong-hininga ako habang papunta akong gymnasium – suot ko ang PE uniform ng university namin, red jogging pants and white shirt na may tatak ng university sa may likod, buti naman naisipan nilang ibigay agad ang PE uniform pagka-enroll, magaling din naman pala ang sistema ng school na ito.

            Himala, napaka-unti parin ng mga estudyanteng pumapasok ngayon kahit pa sinabi nang regular na ang classes, noong dumating ako sa gym, halos walang tao, pero paano ko malalaman kung sino mga kaklase ko dito? Hay, kailangan kong magtanong-tanong in the end?

            Ngunit bago pa ako makapag hanap ng target na pagtatanungan, naramaman kong may kumuwit ng balikat ko, napalingon naman ako agad at may nakitang isang babaeng mayroong kulay brown na mahaba na buhok at yung ngiti niya sobrang laki na ‘yung mga mata niya halos wala na at mukha na siyang nakapikit. Napataas ako ng kilay sakanya, ano naman kaya ang problema ng isang ito?

            “Uhh? Bakit?” naitanong ko nalang, not trying to be rude or anything.

            “Hi!” kumaway ‘yung babae sakin enthusiastically… okay? Ang hyper naman niya. “Ako si Diana. Anong section mo sa PE?”

            Now that she mentioned about PE, naka PE uniform din siya ngayon. “A30.” Sabi ko ng medyo walang gana, hindi ko ba alam, parang ‘yung gana ko sinisipsip niya kaya naman sobrang hyper niya.

            “Ay! Ako rin!” she gushed, patalon-talon pa nga siya, eh habang napalakpak. Okay. Ang weird ng babaeng ito, desperada ba siyang makakita ng artista? “Ano nga pala ang pangalan mo?”

            …

            …

            …?

            Ano daw?

            “Alam mo, napaka heartthrob mo. Lahat nalang halos ng tao tinitingnan ka, eh. Oh.” Sabi niya sabay turo sa mga taong nakatitig sa direksyon namin nitong si Diana, “Beauty queen ka ba?”

He's not Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon