( Roxan's POV )
My favorite restaurant is a kind of near our university pero 'yung silent ride kasi namin nitong si Soren, parang higit isang oras na ang lumipas when in reality mga five minutes palang talaga ang nakalipas. Hindi ko talaga makuha ang timpla nitong Soren Lee na ito. Minsan sobrang maboka niya sa akin, tapos, kagaya ngayon, sobrang tahimik naman niya. Para tuloy siyang Bipolar. Joke lang.
"Saan ka usually nakain ng lunch?" I decided to break the ice kasi sobrang nabobore na talaga ako. Sanay ako na akong lagi akong kinakausap ng kasama ko dahil nga sanay ako sa buhay artista pero itong isang ito, hindi niya talaga ako binubungangaan.
"Sa canteen ako nakain since nagstart ang classes." Matipid-tipid niyang sabi. S'yanga naman, Roxan. One week palang naman kayong pumapasok. Napabuntong hininga ako. "Anong problema?" tanong niya sakin.
"Ah? Ako? Wala." Sabi ko, "Pagod lang akong maglibot sa engineering building kakahanap kay Diana. Siya dapat kasabay kong mag lunch pero kasama niya kasi 'yung crush niya kaya pinabayaan ko nalang siya."
Nilingon ko si Soren at nakita kong tumango nalang siya. Ang tamad naman niyang magsalita ngayon. Everytime kaya na kami lang dalawa sa paligid, mahilig-hilig siyang kausapin ako. Ano kaya ang nangyari sa lalaking ito?
Mamaya ko nalang siguro siya tatanungin habang nakain kami. Baka mamaya ganahan na siyang magsalita dahil magkakalaman na ang tiyan niya. Nang marating namin ang favorite resturant ko, I parked somewhere shady and told Soren to follow me after making sure that I locked the car.
Dinala ko si Soren sa isang Korean restaurant na dinadalaw lang ng mga sikat at mayayaman dahil sobrang sarap at of course sobrang mahal ng mga pagkain na isineserve nila. Tumingin ako kay Soren na naniningin ng interior ng Korean restaurant na ito. "Okay lang ba? Mahilig kasi ako sa Korean food."
"Okay lang." sabi niya sabay hinatid kami sa table namin ng isang waitress. "Thank you." Sabi ni Soren doon sa waitress nang naupo kami at binigay na samin 'yung menu. After we gave our orders, medyo nainsecure ako kasi nakatingin lang sa'kin itong si Soren. Problema niya?
"Bakit?" tanong ko sakanya, pero hindi naman siya tumugon. Weirdo talaga. "Hello? Earth to mister Lee?" I waved my hands just in front of his eyes.
"Wala." Sabi niya sabay iniwas na niya ang tingin niya sa'kin. Hay. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Baka mamaya may dumi pala ako sa mukha kaya naman patago kong kinuha ang compact powder ko at sinipat sa salamin kung may dumi ba ako.
"Walang mali sayo." Sabi ni Soren at napatingala ako para tingnan siya.
"Kung ganon, bakit mo ako tinititigan?" tanong ko sakanya.
Then, I saw him... blush!
He blushed and looked away from me!
He... he looks so adorable!
Wait...
What am I even saying?!
I realized that I was looking at him wide-eyed and felt my cheeks get warm. Bakit parang natamaan ako agad sa lalaking ito? Wait... did I actually acknowledge my feelings for him after the very long and frustrating stages of denial? I mean... what is this? This is so unlike me. Mapili ako sa lalaki, alam niyo na siguro lahat 'yun, pero bakit ganito ang nangyayari sa'kin ngayon?
BINABASA MO ANG
He's not Prince Charming
Teen FictionHe isn't actually my type... Gusto ko kasi ng mga lalaki na makinis, mukhang descendant ni Hermaphroditus, talented at magaling mag basketball... the list goes on! Isang modern day prinsipe. Gusto ko ng isang total dream boy na makikita lang sa teen...