( Roxan’s POV )
Wednesday, first week of June.
Hindi ko alam kung bakit sobrang agap naming pumasok sa school – hindi ba college na kami? Sa dinami dami ng panahon na sipagin akong tumigil muna sa pag-aartista para mag-aral, bakit ngayon parang nagsisisi ako sa desisyon ko?
Don’t get me wrong, I really like to study since I know that hindi naman habang buhay I will rely on being an actress, right? It would be much better if I have my degree for back-up. Pero, bakit parang tinatamad ako? I just stepped out of my car after parking sa likod ng university na papasukan ko at parang gusto ko nang umalis – I feel like something bad will happen… I just can’t put my finger on it.
Paulit-ulit: kumakabog ang dibdib ko. Paulit-ulit habang pinilit kong maglakad papunta sa room kung saan ang first subject ko. Physics. Sa dinami-dami ba naman ng subjects, kailangang Physics pa. Binaon ko na sa limot ang subject na ‘yan pagkagraduate ko nang high school, pero mayroon paring Physics kahit dito sa college. Hay. Napakahirap mag-aral ng high school habang may tapings ka, sobrang dami kong hindi maintindihan na lessons, lagi akong nagka-cram, minsan nagsasabay sabay lahat ng tests ko. Hindi ganoong ka-taas ang grades ko, pero at least wala namang palakol, and I am very proud of what I have achieved.
Pero I have that nagging feeling that I need to get a college degree.
Time check – Late na ako ng 15 minutes. At nakakaasar pa kasi ang daming humaharang sa daan ko. Siguro kilala nila ako, bago pa ako mag-hiatus sa showbusiness, madami akong naging project at siguro naman nakita na nila ako. Nakakaflatter, oo, kasi they recognize me and maybe even support me, who knows? Baka iba d’yan hater ko. Haha. Hindi. Joke lang. Malay natin.
But I really need to go to my class – paano kung gisahin agad ako ng professor ko first day of school palang? Nakakahiya. Ako, Si Roxan Rojas, well-renowned teen actress who decided to go on hiatus para makapag-aral, ay late. Nakakahiya, nakakahiya talaga.
“Excuse me.” I said politely with a smile on my face as I trudged through the crowd.
I could hear people gushing – ngayon lang ba sila nakakita ng artista? Akala ko normal nalang dito sa Manila na makakita ang mga tao ng artista, eh. Hmm, maybe this will be a little tricky… I can’t get too much attention; I need to finish college peacefully… I really hope na ganoon ang mangyari.
Come to think of it, ‘di ba kapag hindi mo pa nakikita ang Prince Charming mo nang high school ka, ibig sabihin noon ay makikilala mo siya kapag college ka na, ‘di ba? Baka nga!
Napangiti ako bigla, siguro hindi kaba na masama ang naramdaman ko kundi kaba na pag makikita ko na siya. Oh, damn! I feel like a giddy teenager! Malandi! Haha!
Napabilis tuloy ako ng lakad papunta sa RM302 ng Arts and Sciences building, ni hindi ko na nga napansin ‘yung mga taong tawag ng tawag sa’kin dahil masyado akong na-excite pumunta sa klase kahit na late na talaga ako. Ito na kaya? Ito na ba ‘yun? Prince charming, ikaw na ba ang makikita ko ngayon?
Sobrang laki ng ngiti ko habang tumataas ako ng hagdan, halos walang tao dito sa third floor, siguro ang klase lang namin talaga ang nandito ngayon. Mabuti naman walang masyadong tao.
Nakasarado ang pintuan ng Room 302, at ramdam ko ang lakas ng pagkabog ng puso ko sa dibdib ko – magkahalong takot sa pang gigisa ng professor ko at kaba nang baka makita ko na ang Prince Charming ko sa loob ng room na ito. Kagaya ng mga nababasa ko sa mga script, magiging seatmates at magiging leading cast sa isang play sa English. Ano ba ito, bumabalik ako sa pagkabata! Hindi ko talaga mapigilan.
Hinawakan ko ang doorknob ng ilang segundo at huminga ng malalim at binulong ko sa sarili ko “Kaya ko ‘to…”
I twisted the door knob and pulled the door open, I was smiling widely as it happened but when the picture registered in my mind, nawala ‘yung ngiti sa mukha ko – the room was empty, almost... kasi I saw a guy sitting at the back of the room – isang lalaking kapag titingnan mo ng malayo, mukhang sobrang plain. His clothes where too simple; he was wearing a plain white shirt and black jeans and his hair was a mess, he didn’t even notice na pumasok ako sa room maybe because he had earphones stuck in his ears.
BINABASA MO ANG
He's not Prince Charming
Dla nastolatkówHe isn't actually my type... Gusto ko kasi ng mga lalaki na makinis, mukhang descendant ni Hermaphroditus, talented at magaling mag basketball... the list goes on! Isang modern day prinsipe. Gusto ko ng isang total dream boy na makikita lang sa teen...