Chapter 3 - Classmate

39 1 0
                                    

( Roxan’s POV )

            Wednesday na naman ngayon, pero pakiramdam ko ang tagal-tagal nang panahon ang lumipas. The day before yesterday, ‘yung orientation namin, noong nalaman ko na isang topnotcher pala itong si Soren, hindi ko parin alam hanggang ngayon kung bakit kabog ng kabog ang dibdib ko dahil dun, kagaya na rin lang kapag nakikita ko ‘yung likod niya. Haller, lumipas na ang Tuesday pero halos hindi ako nakatulog kakaisip – hindi ko ba alam kung bakit nalang biglang sinabi ng utak ko ‘yung “Matalino – check”. ‘Matic na nangyari ‘yun, Ni hindi ko parin talaga alam hanggang ngayon kung bakit ko naisip ‘yun.

            Kahapon nga, eh, hindi na matinag si Di kakatanong sa’kin kung ayos lang ba ako o kung may sakit ako, buti nalang at half-day lang ako kapag Tuesday and Thrusday kaya naman hindi ko na kinailangang i-explain kay Di kung ano man ang gumugulo sa isip ko. Kasi, kahit ako hindi ko rin naman ito ma-explain.

            Napaka-agap kong pumasok ngayon, dahil nga hindi manlang ako nakatulog ng maayos, kaya naman mukha akong bloated ngayon; puffy ang mga mata ko at ‘yung mga pisngi ko medyo tumaba, ewan ko ba kung bakit, pero kapag puyat ako tapos kumain ako, ganito nangyayari sa akin.

            Medyo nakakaiya naman, papasok ako ng school tapos ganito hitsura ko; hindi ko na pinilit ang sarili kong mag make-up, mukha kasi akong weird kapag may make-up ako tapos bloated ang mukha ko.

            At dahil nga Wednesday ngayon, Physics ang first subject ko, at kinakabahan na ako lalo habang naakyat ako pataas ng hagdan papuntang room naming sa Physics. Room 302, kung saan ko unang nakita si Soren. Pakiramdam ko nagdadagakdak na ang pawis ko kahit bagong ligo ako.

            Don’t get me wrong, ha? Pumasok ako ng maagap kasi kapag natulog lang ulit ako, baka mamaya magtuloy-tuloy at hindi ako makapasok. Nakakahiya naman kapag hindi ko pa pinasukan mga subject ko ngayon, tatatlo na nga lang sila, hindi ko pa papasukan? Hindi ito tungkol kay Soren, lalong hindi ko rin ipinaparating na siya ang prince charming ko so far – hindi. Hindi ganon Napag-isipan ko ito ng matagal, basta hindi ganon ang nangyayari at ang dahilan, hindi pwedeng ganon.

            Lord, bakit po ba si Soren? Hindi… hindi po siya gwapo. Inamin ko na sa sarili ko. Oo, hindi siya gwapo. Hindi na ako magpapakaplastic, napaka laking halaga para sa akin kapag gwapo ang magiging prince charming ko (at sana nga gwapo siya). Kaya, bakit si Soren pa? Oo, gusto ko gwapo, pero ayaw ko naman ng gwapo pero hindi naman matalino, sana naman balanced lang – damn, napaka choosy ko talaga! Pero, masisisi niyo ba ako? Kahit naman siguro kahit sinong babae, gusto ganon ang maging boyfriend niya, ‘di ba?

            ‘Di ba?

            Ganon ‘yun… ‘Di ba?

            Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na kaya kung gaano na kagulo ang isip ko. Nalaman ko nalang, nasa may pintuan na ako ng Room 302, at pasasalamat ko, walang tao— but then napalingon nalang ako bigla sa may sulok kung saan ko nakikinig ‘yung napaka-hinang tugtog. Hindi ko nga lang marecognize kung anong kanta ‘yun kasi sobrang hina nga.

            Pero, parang cliché nga, kay Soren na phone galing ‘yung natunog.

            Wag kang bibilis ng tibok. Ang tanging nasabi ko nalang sa puso ko habang pinagmasdan ko siya na nakaupo sa may kadulu-dulohan at kagilid-gilidan ng classroom namin na sobra-sobra na ata ang laki. He was leaning on the wall and his eyes were closed – tulog ata siya.

            Hindi ko namalayan, iilang dipa nalang ang pagitan naming dalawa, at sa lapit na ito, nakita ko nanaman lahat lahat ng siya – hindi parin nagbabago ang buhok niya, napaka gulo padin na parang hindi sinusuklay, ‘yung kilay niya, sobrang makapal at sabog padin, ‘di ba dapat wala na siyang kilay by now? Kasi nga nagsusunog siya ng kilay, eh! Hehe tapos parang hindi na nabawasan ang mga sugat dulot ng pimples sa kanyang mukha. Siya parin ‘yung Soren na nakilala ko last week, ngayon nga lang, sobrang nagbago perception ko sakanya dahil nalaman ko nalang kung gaano siya katalino. Umupo naman ako sa armchair na malapit sa kinakaupuan niya.

He's not Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon