Chapter 4 - The Slip of her Thoughts

10 0 0
                                    

( Roxan's POV )


Kumain na kami ng breakfast sa canteen ni Di, at nawalan ako ng gana dahil panay panloloko at pang-aasar ang inabot ko sakanya. Gusto ko sanang mag rice pero ang kinain ko lang 'yung sobrang sarap na melon bread ng canteen at orange juice. Soren ganon, Soren ganyan... 'yan nalang nakinig ko buong duration nang pag kain namin ni Di... at kahit na nakabalik na kami sa classroom, buong klase namin ng Physics, inaasar niya ako tungkol kay Soren, tapos one hour and a half pa naman ang duration ng klase namin dito.

"Girlette! Ang cute talaga ni Mr. Genius para sa'yo! Tamo, oh! Type mo ba mga lalaking tahimik na matalino at cute on the side?" bulong sa'kin ni Di, wala siyang takot na mapuna ng prof namin - well, nagpakilala lang naman si Prof at binigyan lang kami ng course syllabus at inexplain lang 'yun.


I just rolled my eyes at Di, but my eyes caught sight of him na binabasa 'yung syllabus na parang aaralin ng ng isang upuan lahat ng topic na-ita-tackle sa subject na ito at i-ace lahat ng quiz at exam. Gosh, he bit his thumb in the process.


"Girl!" saway sa'kin ni Di, "Baka matunaw si Mr. Genius sa ginagawa mo!"


Napatingin ako ng masama kay Di na mukhang pinipigilan na mag-iskandalo sa pagtawa at baka palabasin siya ni Sir. Itong babaeng ito! Nakakaasar siya pero hindi ko magawang magalit sa kanya, like what I have said days ago, para kaming magkakilala simula nung bata pa kami, she just grew on me so fast. Haay. Madaya si Diana.


"Class, how about you guys introduce yourselves para naman mamukhaan ko kayo, ano?" sabi ni Prof Nardo, "Kahit na celebrity o campus celebrity, kailangan paring magpakilala, ha?" tumawa naman si Prof at ang iba naming mga kaklase habang nakatingin sa'kin. Campus celebrity? Sinetch?


"Okay, just tell us your name, age, course at hobby para may thrill." Pinatayo na si Sir Nardo 'yung kaklase namin na nasa first row at nagsimula na siyang magpakilala. Nasa may bandang likuran kami ni Di, pero nung tiningnan ko si Di, mukhang sobrang excited niya na magpakilala. May tama ata itong lukarit na ito. Napangiti nalang ako and Di just gave me two thumbs-up.


Nalaman ko na puro Computer Engineering at HRTM pala ang klaseng ito. Grabe, mga future engineers pala ang mga kaklase ko. Nakakaintimidate! Haha.


Namalayan ko nalang, nakakapit sa'kin ng mahigpit si Di, at nakita kong nakatingin siya sa isang lalaki na mag-iintroduce ng sarili niya. Uy, ang cute naman ng isang ito! Ang amo ng mukha pero mukhang maliit.


"Hello. I'm Gene Chavez. 18 years old. BSCpE. Uhm, I like to play League of Legends." At naramadaman kong mas lalong humigpit ang kapit ni Di sa braso ko. Ouch!


"Aray, girl!" I hissed at Di who was still looking oh, so, dreamily at Gene. Bingo! Magagantihan din kita! I smiled slyly at Di whose eyes looked so beady. Naiiyak siya dahil sa lalaking 'yun? Ganyan ba magkagusto si Di sa ibang tao? Naiiyak? Haha!


"Gene pala, ha?" loko ko kay Di na napatingin sa'kin wide-eyed, her lips parted and closed a couple of times but she couldn't utter a word. Oh, man. I'm loving this! "Sige, Di. 'Wag kang mag-alala. Ka-course mo pala siya, eh?" I winked playfully at her and she looked down, her cheeks flushed. Aww, that's so cute!

He's not Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon