Chapter 71- " Trust Walk"

557 18 0
                                    

JOJO's POV

" Iba ngiti mo ngayon pare ah. Bakit? Magkasundo na ba ulit kayo ni Ashley? Or mas higit pa dun?

" hindi naman. I'm just happy na makasama siya. And if God will give us a chance na ibalik at ituloy ang mayron kami dati. I won't hesitate to grab the opportunity.

" tsk! Jojo pare hindi naman sa nanghihimasok at nakikialam ako pero ipapaalala ko lang sayo na may girlfriend kang tao. You shouldn't hurt and dumb her behind her back. And about Ashley, hayaan mo na lang na maging masaya siya.

I looked to him.

Isa-isa kong inabsorb lahat ng sinabi niya.

Tama naman si Vince,

Ang maging masaya siya ang tanging hangad ko para kay AshNi.

" Vince, Kenneth may dapat kayong malaman.

" About what?

" About Taikor..

" Anong meron kay Taikor?

I take a deep breath.

" Taikor and I are...

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si Chinie.

" JOJO!  JOJO! SI TAIKOR NAKIKIPAG AWAY.

" WHAT?? Where is she?

" Sa may bakanteng lote sa likod ng gym.

" Vince, Kenneth saka na lang tayo mag-usap, kailangan ko lang puntahan si Tai.

" Sige pare.

Mabilis kaming tumakbo papunta sa bakanteng lote.

Ano namang naisip ni Taikor at pumasok siya sa ganitong gulo.

Gabing gabi na nakikipag away pa siya.

" Jojo ayun sila oh.

Rinig na rinig ng dalawang tainga ko ang lakas ng bunganga ni Taikor.

" YOU NASTY SLASH UGLY DUCKLING GIRL. WATCH YOUR WORDS AT BAKA LUMAPAT SA MUKHA MO ANG PRECIOUS HANDS KO.

" Taikor tama na. Okay lang naman ako eh.

ASHNI??

Anong ginagawa nya dito.

" TAIKOR! ASHNI! Anong ginagawa nyo ba dito?

Mabilis akong lumapit sa kanila at saka ko sila hinilang papalayo.

" Taikor ano bang pumasok sa utak mo at nakipag-away ka?

" Hindi ako ang nanguna John Joseph okay? I'm just helping Ashley from these three stupid-nasty-bastard-ugly girls.

" Helping? Bakit? Ano ba ginawa nila kay Ashley?

Tumingin ako kay AshNi.

Umiwas naman siya ng tingin at saka yumuko.

" They called Ashley "Malandi at maduming babae".

Nagulat ako sa sinabi ni Taikor.

Bakit naman nila sasabihan si AshNi ng ganon?

What for?

" I didn't know exactly the reason behind  pero sa pagkakakilala ko kay Ashley, hindi siya ganun.Right Ashley?

Tahimik lang siya at hindi nagsasalita.

"FOR YOU I WILL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon