Chapter 51 - "I don't love you"

767 19 1
                                    

ASHLEY's POV

" tseb ano ba ang tagal mo naman malelate na tayo.

" Oo anjan na heto na nga oh..

Paglabas ko ng bahay,Mylene stared at me from head to foot.

" hoy Mylene may problema ba?

" Ashley may inapplyan ka na naman bang trabaho?

" ha??? wala bakit mo naman natanong?

She opened her bag and I don't know kung anong hinahanap nya. After nyang halukayin yung bag nya, inabot nya sakin ang salamin..

Salamin? Ano namang gagawin ko dito?

" Look, para kang pokpok sa bar na naghahanap ng mga lalaki dahil sa kapal ng make-up mo.. dah?????? magpapaganda ka na nga lang yung nakakairita pang tingnan.

Tinitigan kong mabuti yung mukha ko sa salamin.. Halos umulwa yung mata ko sa nakikita ko. Yung mata ko ang itim itim,yung lipstick ko ang kapal kapal at yung cheeks ko parang namurder sa sobrang pula. tsk Sinungaling ata yung salamin na nabili ko kahapon kasi sa paningin ako ang ganda yun pala mukha na akong drakula.

" Tseb magugustuhan ka pa rin naman ni Jojo kahit wala kang make-up.

She smiled to me habang tinatanggal nya yung make-up sa mukha ko so I smiled back. 

" ikaw Tseb ha,kinilig ka lang ng bongga sa ginawa ni Jojo natuto ka ng mag-ayos na halos lahat ng make-up mo gusto mong ilagay sa mukha mo.Don't tell me you started to like him na?

Hindi ko matago ang kilig at sayang nararamdaman ko. Itanggi ko man hindi na magwowork dahil sa namumula kong mukha.

To be honest,I can't imagine na gagawin at sasabihin sakin ni Jojo ang mga bagay na yon. At ang hindi ko makakalimutan ay kung pano nya ako tinanggap ng buong buo kahit na ilang beses ko na siyang  pinagtabuyan.

Flashback :

" AshNi, From now onwards, huwag mo ako tingnan bilang isang bestfriend mo lang, Tingnan mo ako bilang si John Joseph Tan, someone that will love and protect you until the end of the world.

Habang nagsasalita siya at kinakausap nya ako,  I saw the sincerity and happiness in his eyes.

Unti unting lumapit ang mukha ni Jojo sa mukha ko. Hindi ko alam kung tamang pumayag akong halikan nya ako,pero hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang umiwas sa halik nya.

Hindi nagtagal kumalawa na kaming dalawa sa halik na yon.

Yung pait at sakit na bumabalot sa puso ko, napalitan ng tuwa at pag-asa na may Jojong handang magpalakas ng loob ko sa tuwing mahina ako. That no matter what happens he's always there for me,to save me, to protect and guard me in times of need.

Kung hindi ko inaasahan na sasabihin sakin ni Jojo ang mga bagay na yon, mas ikinagulat ko ang mga sumunod pang nangyari.

" AshNi, I just want you to be happy, so please give me a chance para maiparamdam ko ang pagmamahal ko para sayo.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin kay Jojo. Ayokong magkamali na naman sa mga desisyong nagagawa ko, ayokong pagsisihan muli ang mga maling paniniwala ko. So for now,I need to know and love myself first para mas maging matapang ako para harapin lahat ng problema darating at darating pa sa buhay ko.

" don't worry AshNi, I don't need your answer now. Ayokong mapressure ka at kaya ko namang maghintay sayo. Ang mahalaga sakin ay yung maprotektahan kita in my own way.

"FOR YOU I WILL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon