Chapter 23 - " Why he's always saving me"

769 25 0
                                    

ASHLEY's POV

"ui tseb dito na ako ah mag iingat ka ah,

"Ashley hintayin na lang kaya kita dito sa labas,

"Ano ka ba naman Mylene okay lang ako dito,medyo matagal din  bago ako matapos sa trabaho ko dito,kailangan ko pa ring magsorry kay Mrs.Tan.

"Sure ka bang ayaw mong hintayin kita?

"Mauwi ka na tseb I'm totally fine here.. Mag iingat ka ah.

"Sige balitaan mo agad ako pag nakauwi ka na ah..

"Okay I will..

Pumasok na ako sa loob ng Company.. Si Mylene talaga ang bait,sobrang concern.. Ang swerte ko talaga for having her..

Nahihiya tuloy ako habang naglalakad,kasi naman bigla na lang akong nawala sa party noon, si Jojo kasi eh..

" Ashley you're here, Namiss kita,  I didn't saw you for almost two days.. something happened?

" Mrs. Tan pasensya na po talaga at nawala agad ako sa party nyo nun, may emergency lang po kasing nangyari eh.

"haha It's okay Ashley, atleast you came I'm contented with that,and yet My son didn't come that night kaya hindi ko rin siya mapapakilala sayo.

"Ma'am sorry po talaga..

"It's nothing hija.. I'll go ahead. Bye.

Nakahinga ako ng ayos ng makausap ko si Mrs.Tan. Grabe ang bait nya talaga, Ang swerte siguro nung anak nya sa kanya..

Tinapos ko na agad ang trabaho ko para makauwi agad ako sa bahay,kasi may kailangan pa rin akong tapusing trabaho don..

Ang sipag ko no? puro trabaho,pero kailangan eh.

"uuwi ka na po ba Ms.Ashley?

"Opo Kuya Marcos tapos na po kasi trabaho ko eh,

"ay mag iingag ka ah gabi na din kasi..

"salamat po..

Matagal na din nagtatrabaho si Kuya Marcos sa Company nina Mrs.Tan, kahit na guard lang siya kung ituring siya ni Mrs.Tan parang secretary sa sobrang close nilang dalwa..

"hello..

"ay pwet ng kabayong maitim..

"haha ang cute mo talaga Ashley,

"Anong ginagawa mo dito Kevin?

"I have a simple gift for you, talikod ka bilis..

Sinunod ko naman yung sinabi nya,

" ayan bagay na bagay sayo oh..

"teka bakit mo ako bigyan nito Kevin?

" because your important to me Ashley,

Hindi ako nakapagsalita nung sabihin nyang importante ako sa kanya,pero napangiti na lang ako sa sinabi nya.

Hinatid na nya ako sa may kanto namin sabay kaming naglalakad,hindi na nya ako hinatid mismo sa bahay kasi may pupuntahan pa raw siya..

Papasok na  sana ako ng bahay nang may humigit sa buhok ko,

"malandi ka talaga Ashley. Bakit lahat na lang kinukuha mo sakin..

"cerenity.. na..sa..saktan ako.. ta..ma na please.

"Hindi pwede hindi kita titigilan hangga't hindi nauubos yang buhok mo..

" Ano ba Cerenity tama na.

Bigla ko siyang natulak ng malakas at napaupo siya sa floor..

"Ashley how dare you to hurt my daughter, you bastard..

Sinampal ako bigla ni Auntie,Hindi ko na kinaya,umiyak na naman ako,napakita ko na naman sa kanilang mahina ako,

" pinagtanggol ko lang po ang sarili ko,

"pero wala kang karapatang saktan ang anak ko.

"malandi ka talagang babae ka..

Pinagtulungan pa rin akong saktan nina Auntie at Cerenity, Lord help me please hindi ko na po talaga kaya..

Bigla akong napatingin kay Auntie at Cerenity na ngayo'y napaupo sa sahig..

"Sinabi ko naman sa inyong wag na wag nyo siyang sasaktan diba,dahil ako ang makakalaban nyo,subukan mo pa siyang guluhin kung hindi I'll destroy everything you have..

Si Jojo? Bakit everytime na I'm in danger he's always there to save me.

"wala akong pakialam sayo,

"At ikaw naman Ashley, packed all your things at umalis ka na sa pamamahay ko..

Lumapit at lumuho ako kay Auntie..

" Auntie please, wag nyo pong gawin sakin to. please...

"wala na akong pakialam sayo kaya pwede ba umalis ka na at wag na wag ka ng babalik dito..

Pumasok na ng bahay sina Auntie at naiwan kaming dalawa ni Jojo sa labas,

"Saan na ako pupunta ngayon, saan na ako matitira ngayon..

I'm pity for myself..

"FOR YOU I WILL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon