Chapter 84 - "Hospital"

252 12 5
                                    

*****
JOJO's POV

(Heart beat)

Dugdug...

Dugdug....

Dugdug...

Dugdug...

Dugdug...

Halos hindi ko na marinig ang mga salitang sinasabi sakin ng mga tao sa paligid ko.

Tanging ang mabilis na tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin...

Hindi ko alam kung sino ang dapat kong piliin..

Bakit sila pa?

Bakit yung mag-ina ko pa.

After all these years heto na yun eh,

heto na yung pinakahihintay namin ni Ashley.

Why of all people, why it's my wife and my baby!

......

......

......

Kasalukuyan pa rin akong nasa hospital.

Ni hindi ko na nga magawang umuwi ng bahay para makapagpalit man lang.

Ultimong kumain hindi ko na rin maatupag.

30 minutes lang ang palugit na binigay sakin ng doctor.

Halos lahat nandito sa room nya, naghihintay na sana may miracle na darating,

o kaya naman bigla na lang sasabihin ng doctor na "joke lang lahat"....

Lord please, help me....

"hijo anak, baka ikaw naman ang magkasakit nyan. Kanina ka pang umaga hindi kumakain anong oras na oh...

"Ma, yun na nga lang sana nangyari eh. Ako na lang sana yung nagkasakit at least ako mag-isa lang. Paano ako makakakain sa ganitong sitwasyon kung yung mag-ina nasa peligro yung buhay.

" Pero Jojo anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?? I mean, handa ka na bang mawalay sa asawa mo?

"Dad hindi ko po alam kung anong mangyayari after neto pero gagawin ko lang po kung anong gusto ng asawa ko.

Niyakap lang ako ng mahigpit ng tatay ko na siyang dahilan ng pagpatak ng luha ko.

"Excuse me Ma'am, Sir papunta na po si Doc. Alvarez in a minute.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Pero hindi pa man nakakalabas ang nurse ay dumating na rin agad ang doctor..

"Mr.Tan, nakapagdesisyon ka na ba?

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto...

Lahat sila sa akin nakatingin...

Yung malulungkot nilang mukha ang sumalubong sakin.

At alam kong lahat sila naghihintay sa sasabihin ko....

Pero wala na akong magagawa..

Kamuhian man ako ng mga tao sa paligid ko,

hindi ko sila masisisi.

Heto na nga siguro..

This would be the biggest mistake of my life...

"Ga..gawin nyo na po Doc.. Just make sure po na ligtas ang anak ko..

"FOR YOU I WILL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon