sabi

4 0 0
                                    

ang sabi mo walang iwanan
pero nasaan ka na? una akong iniwan
ang sabi mo walang bawian
salitang binitawan,hindi pinanindigan
ang sabi mo nandyan ka lang
ngunit ni anino mo'y hindi na maaninag
ang sabi mo wag kitang iiwan
hindi mo kakayanin? tama nga ba?
ang sabi mo sa'kin lahat noon
na pinanghahawakan ko hangang ngayon
ang sabi mo, na naging isang
anino na lamang ng kahapon.

5:00pm
211106

ANGEL'S POETRYWhere stories live. Discover now