01

178 9 5
                                    

01


"Ipasok mo 'to sa maleta mo."


Binato ni Marge ang bag ng Go Pro nya na pinalalagay nya sa maleta ko. Tumama ang Go Pro na yun sa kamay ko na naglalagay ng eye liner kaya lumampas ito at umabot sa tenga ko.


"Amputa." Nilingon ko si Marge na patuloy sa pagaayos ng buhok nya at umastang parang walang nangyari. Pinasok ko sa bag ko ang Go Pro at saka inayos ang make up ko. Birthday ni Ashleigh ngayon and pupunta kami sa Cebu para sa celebration ng birthday nya. Ashleigh is our Business Woman/Lawyer. She's the daughter of an airline company owner. Cebu ang napili nyang lugar to celebrate her birthday dahil dun 'nainlove' daw sya sa lugar at para sakanya, Cebu na ang pinaka magandang lugar na napuntahan nya. Sa private island namin sya mag-ccelebrate. Balita ko binayaran nya ticket and hotel room ng mga inimbita nya.


Nagpunta kami sa airport at gumagawa ng kaek-ek-an para makasakay ng eroplano. Nakatulog kami pareho sa byahe papuntang Cebu at papunta sa Isla. Napagalaman kong kami ang unang dumating ron kaya dumiretso muna 'ko sa suite na pag-aari ko. Si Marge naman ay dumiretso sa suite nya. Hindi ko pa nakikita sila Mommy mula nang dumating kami.


6PM ang start ng party. 11AM kami dumating kaya nakapag-pahinga pa kami ng matagal. Nag-social media ako ng mga limang oras siguro at yung natitirang oras ay kumain nalang ako dahil walang magawa. Tinatamad akong bumaba sa dagat at lumangoy. Mamaya nalang, gagawin din naman 'yon.


"Happy Birthday, Ashleigh!" Kaliwa't kanan ang bati ng mga bisita ni Ash. Marami rami silang mga pinapunta nya sa isla. Nagsuot ako ng white 2 piece bikini at puting pantakip sa katawan habang ayaw ko pa magbabad sa dagat. May mini stage sa harap at naroon ang DJ.


"Yow pre! Happy Birthday! Sana magkajowa ka na!" Niyakap ni Zeki si Ash pagkatapos bumati. Zeki. Ezekiel Villafuerte. Bestfriend namin Ash since UST pero kami ang mas close. Matangkad, maputi, kulot, perpektong perpekto ang mukha. Nainlove ako sakanya e. E pa'no ba naman putsa! Ang gentleman masyado! Aware naman sya don at parang wala lang sakanya. Sakit.


"Happy Birthday, Madam! Ganda mo nga, single ka naman! Akin nalang ganda mo." Pangaasar ni Marge kay Ash. 


Tinulak ni Ash si Marge na para bang naaasar sa sinabi ng kaibigan at saka hinila para yumakap at magpasalamat. Binati ko rin sya at saka binulungan na mamaya na ang regalo nya kahit ang totoo ay wala naman talaga. Dadampot muna ako sa mga nakatirang dito pogi sa isla at yun ang ireregalo sakanya.


"Ang hina mo yata, Iya?" Pang-aasar ni Zeki sa'kin. Nakaka-pitong lagok na sila ng alak habang nakaka-tatlo palang ako. Dahil sa sinabi nya ay natauhan ako at agad kong sinalin sa baso ang Bacardi na nasa lamesa namin. Siniguro kong lampas sa pito ang nainom ko para hindi ako matalo. 


Nilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng pogi. Pero naagaw ng atensyon ko ang isang bisita ni Ash na nakahiga buhangin habang pinapaligiran ng mga kaibigan.


Hindi ko na sya pinansin pa at nakipagasaran nalang kila Zeki at uminom. Lumalim ang gabi at puro inom lang ang inatupag ko. Isla namin 'to at kami ang may-ari ng hotel kaya panigurado kong nandito sila Mommy't Daddy but who cares? Ngayon lang ako magpapakalasing ng ganito. Well, I think.

Played In Time (Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon