02

81 9 6
                                    

02


"Chinat ako!"


Kinikilig na sigaw ni Ashleigh habang kumakain sila.


Nasa isang gilid lang ako, inaaalala si Iñigo na nakita ko kanina sa Hospital. Bagay na bagay yung coat nya. Dumadagdag sa kapogian.


Napapangiti ako sa ere dahil sa naiisip. Mukha na ata akong tangang nag-dadaydream dito pero gabi na. Night dream? Gago.


"Tingnan mo, mukhang tanga si Iya." Binulong ni Marge kay Alex pero narinig ko. Napatingin ako sakanya pero casual na tingin lang 'yon. Napangiti ako ng matamis sakanya at bumilog ang mga mata nila.


"Oh my God! Chinat ako ni Yuki." Parang maiiyak sa kilig si Ash. Isa si Archer sa kaibigan ni Iñigo. Matagal na nyang crush 'yon kaya nung birthday nya ay inuna nya 'yon imbitahin maliban sa'min. Bumalik ang atensyon nila kay Ash na nagiisip ng irereply sa "thank you for inviting us. again, happy birthday ashleigh :)" message ni Yuki.


"Nakita nya si Iñigo kanina nung binisita namin ang pinsan ko sa hospital. Apparently, naka-duty sya nong oras na 'yon. Nagka-titigan raw sila." Panunukso ni Alex. Napangiti ako sa pag-kwekwento nya. Shet mukha akong tanga.


"Eh! Pogi niya 'no? Hihi." Animong kinikilig kong tanong sakanila. Namamangha silang natatawa sa'kin.


"Julianna Hadelle, ikaw ba 'yan? Parang ngayon ka lang ulit nabaliw sa lalaki ah? Lakas ba ng dating?" Pangaasar ni Marge sa'kin at natawa silang lahat.


May condo ako near UST and dun ako dumiretso. Pagkatapos maglinis ay agad akong nahiga sa kama. Pinagiisipan kung ano ang pwedeng gawin. Nasa utak ko pa rin si Iñigo. Sarap siguro magmahal ng Med Student. Kung ga'no nila kamahal ang propesyon nila, ganun din nila kamahal ang babaeng napili nila.


Kinabukasan ay hapon pa ang pasok ko kaya nagdecide akong dalhin muna ang laundry ko sa bahay. Ang mansion namin ay sa Quezon City. Sa isang subdivision ron ay nakatira ang parents ko kasama ang bunso kong kapatid at ang Kuya ko. Pangalawa ako sa magkakapatid. My Parents are business owners. 2 different companies. My Dad owns, Octave Hotel in Cebu and my Mom owns M Construction. Kaya pareho silang busy pero they still find time for each other.


Ayaw ni Mommy na iba ang naglalaba ng damit ko kaya tuwing kailangan labhan ng mga damit ko ay umuuwi ako. I drove to our mansion and sinalubong ako ng bunso kong kapatid. He's 15 years old. Niyakap nya ako at kitang kita ang pawis sa kanya.


"Nag-basketball ka 'no?" Tanong ko agad. Tumango s'ya.


"Kumuha ka ng lampin at pupunasan ko likod mo." Bumalik sya sa loob para kumuha ng lampin. Sa garden ako dumaan para supresahin si Mommy pero si Ate ang nakita ko ron. S'ya ang nag-papa ligo sa aso namin.


"Iya!" Nagangat sya ng tingin at tumayo para yumakap pero lumayo ako dahil basa sya. Natawa sya.


"Arte mo."


"Shut up." Pumasok ako sa loob at umakyat para ibaba ang gamit ko sa kwarto. Sabi ni Manang ay lumabas si Mommy para mag-grocery kasama si Daddy. Pagkababa ko ay masama ang tingin sa'kin ng kapatid ko.

Played In Time (Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon