Played In Time - The Galvez

29 2 0
                                    

Hello,


This is a special chapter for the author's birthday. This chapter entitled "The Galvez" is made especially for all the readers and lovers of Julianna & Iñigo.


This was written 4 months ago and I did not publish it for some reason.


Enjoy and admire the family of the first couple we loved.


Sincerely,

Miss A.


***


"Lyle, hanapin mo 'ko!"


Naglalaro kami ng tagu-taguan ni Lyle at nagtatago ako sa gilid ng ref, sa ibabaw ng countertop. Nakita ko ang kamay n'ya na may hawak ng teddy bear at pumasok sa kusina. Tinakpan ko ang bibig ko para wala s'yang marinig. Dire-diretso s'yang naglakad papunta sa lamesa at tatama ang ulo sa lamesa.


"Lyle!" Napababa ako sa countertop at hinila s'ya palayo sa lamesa. Pareho kaming natumba sa sahig. Nagbaba ako ng tingin sakanya at nakitang walang reaksyon sa mukha n'ya. Pero unti-unti itong napalitan ng mukha na paiyak na s'ya.


"H'wag, h'wag kang iiyak, Adlyle, h'wag." Namumuo ang kaba sa dibdib ko dahil lagot ako kay Mommy 'pag narinig n'yang umiyak si Lyle.


3 years older ako kay Lyle. 5 years old na ako at 2 years old palang s'ya. Nasakanya ang atensyon nila Mommy at Daddy dahil nga bata pa s'ya, gayunpaman, hindi naman sila nagkukulang sa pagbibigay ng atensyon saakin. Syempre may mga oras na naiinggit ako, pero ayos lang. Gusto ko nang lumaki si Lyle para may kaasaran na ako. Hehe!


"Careful. Luto na yung cookies." Bumaling si Mommy sa oven. Nilabas n'ya ang pan.


"Daddy," Natawag ko s'ya nang makita s'yang bumaba.


"Let me do it. Mommy baked cookies." Binuhat ni Daddy si Lyle at hinawakan n'ya ang kamay ko.  I tiptoed so I can see the cookies Mommy bakes. She makes soft cookies with chocolates that melt. My favorite.


"Mommy, up." Nagpabuhat ako at inupo ako ni Mommy sa countertop. "It's hot." Mommy. I carefully got one cookie but nabitawan ko because it was hot.


"Hmm. Careful." Napataltak si Daddy. Kinuha n'ya 'yong cookies ko at hinipan para hindi na masyadong mainit ang kakainin ko.


"More...." Sinilip ni Lyle ang pan pero wala na 'yong laman. Natingnan ko 'yong kinakain ko na kalahati ng cookies ko. Saaming lahat, ako nalang ang may kinakain. Kumagat ako muli at iniabot 'yon kay Lyle.


"Sa'yo nalang." Nakangiti kong inabot sakanya ang kalahati ng cookies.


***


"E pa'no kung babuyin ko 'tong bahay n'yo?" Napipikon kong asik kay Ryu, asawa ni Rhiane. Lakas kasi mag-demand na pagandahin 'yong bahay e hindi pa nga nila napipirmahan 'yong kontrata kay Engr. Evangelista.

Played In Time (Time Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon