Chapter 6: The words
"Alalahanin mo ang mga nalimutan mo bago pa mahuli ang lahat. Bago pa siya mawala ng tuluyan."
Ilang araw na yan naglalaro sa isip ko. Simula kasi nung araw na nahuli kong nagtatalo sila Rea at Lea sa kwarto ko, bigla nalang nawala si Lea...bigla na lang siyang di na nagpakita?
Si Rea naman minsan na lang dumalaw..
I wonder ano kayang nangyari?
Iba na din yung nurse na naka-assign na magbigay ng shot sakin. Sa tuwing tinatanong ko si Nurse Anne, siya yung bago kong nurse, lagi niya lang sinasabing, Sinong Lea? Inisip ko na lang na siguro bago lang siya kaya di niya pa kilala si Lea.
Nitong mga nakaraang araw din laging kulang-kulang at paputol-putol ang tulog ko. Lagi kong napapanaginipan yung nasa ospital daw ako at si Andrea tapos biglang nag-iiba ang paligid tapos magigising na ko.
Hindi kaya babala yon?
Tapos ang tawag pa sakin ni Andrea sa panaginip ko is Almira. Siguro Almira nga ang pangalan ko?
Hanggang ngayon kasi di pa bumabalik ang alaala ko. Sabi naman ng Doctor ko okay na ang vitals ko. Hinihintay na lang na bumalik ang alaala ko para naman may macontact ako na relative or kaibigan. Atsaka medyo sumasakit pa din kasi ang ulo ko paminsan-minsan kaya tuloy pa rin ang shots.
Kagaya nga ng sabi ko kanina di na masyado nadalaw si Rea. Pag pumupunta naman siya, mangangamusta lang tapos tatanungin niya kung may naaalala na daw ba ko. Ang lagi ko namang sinasagot is wala pa. Pagkatapos non magpapaalam na siya.
Kakaiba na si Rea. Simula nung magtalo sila ni Lea noong nakaraang mga araw, di na siya palangiti, makuwento, at masiyahin. Nagiging magkaugali na sila ni Lea. Ngingiti man siya, pilit naman...
"Ma'am shot na po.." sabi ni nurse Anne.
"Bakit di na si Nurse Lea yung nurse ko? Nakilala mo na ba si Nurse Lea?" Tanong ko sa kaniya.
Kumunot na naman yung noo niya. Parang siyang naguguluhan?
"Ah..ano po kasi eh..." medyo nag-aalangan pa siyang magsalita.
Ilang minuto pa bago siya nagsalita ulit.
At ngayon pinagsisisihan ko ng tinanong ko pa ang bagay na yon. Dahil ang sabi niya...
"Matagal na po ako dito at kilala ko na po lahat ng nurses dito sa hospital. Pero ni-minsan wala pa po akong nakatrabahong Lea ang pangalan..."
Nagulat ako sa sagot niya. Sino si Lea? Bakit di niya kilala si Lea? Ako lang ba ang nakakakita sa kanya?!
Kung walang nurse Lea na nagtrabaho dito...
Sino yung kasama ko noon?!
"Huh?! Eh sino yung nagbibigay ng shots ko nung mga nakaraan? Imposible! Nakausap ko pa si Lea! Binalaan niya pa ko!"
"Pero maam, simula po ng mapasok kayo dito, ako na po ang nurse niyo.."
Imposible! Alam kong si Lea 'yon! Siya 'yon!
Sakto naman na pumasok si Rea.
"Rea! Diba kapatid mo si Lea?! Kambal pa nga kayo diba?!"
Di ako sinagot ni Rea kundi tinalikuran niya ako. Kumuha siya ng injection sa may table malapit sa pintuan. "Ano yan Rea?!"
Tumabi lang si Nurse Anne para bigyang daan si Rea na ngayon ay papalapit na sakin para iturok sakin kung ano man yung nakalagay sa loob ng injection na hawak niya
No! Hindi pwede! Bakit ako tuturukan ni Rea niyan? Di ba sila naniniwala saken?!
Agad akoong tumayo sa hospital bed at pumunta sa may sulok ng kwarto. Lapit pa din ng lapit si Rea sakin at lumabas naman si Nurse Anne. Agad naman akong sumunod kay Nurse Anne sa paglabas. Kahit na masakit pa ang katawan ko, pinilit kong tumakbo para lang makalayo kay Rea na sa tingin ko ay may balak na masama sakin. Anong nangyari sa mabait na si Rea? Yung madaldal, palangiti, at maalaga na si Rea?
Takbo ako ng takbo sa hallway ng ospital. Nang biglang parang nagplayback sa utak ko yung mga sinabi ni Lea. "Alalahanin mo ang mga nalimutan mo bago pa mahuli ang lahat. Bago pa siya mawala ng tuluyan." Di kaya?
Parang alam ko na kung sinong makakatulong sakin ngayon sa sitwasyon na ito.
Agad kong hinanap ang lugar na 'yon.
Siya lang ang makakatulong sakin.
Kailangan kong pumunta ng ICU.