Chapter 7: The Truth

36 2 1
                                    

Chapter 7: The Truth

Tanda kong sa ICU dinala yung babae na duguan sa panaginip ko. Siguro siya yung sinasabi ni Rea na 'siya' dun sa sinabi niya sakin bago siya mawala. Malaki din ang posibilidad na nandun si Lea. Siguro clue yung sinabi niya sakin.

Agad kong hinanap ang ICU at nakita ko naman yun sa may dulo ng hallway. Pumasok ako dun at dun ko nakita yung babaeng nasa panaginip ko. Natutulog siya at may babaeng nakatalikod sakin na nakatingin sa kanya.

Hindi pala panaginip ang lahat. Dahil nandito yung babaeng nakita ko.

Kakausapin ko palang sana yung babae para tanungin siya kaya lang nabigla ako dahil bigla siyang humarap.

Di ko akalain na  tama pala ang hinala ko. Siya nga..si Lea.

"L-lea..." 

"Matagal na kitang hinihintay..Jen." Jen? Hindi ba ako si Almira?

"J-jen? Jen ang pangalan ko? Pero paano? Akala ko ako si.."

Lumingon si Lea sa likod niya kung saan nakaratay yung babae. " Siya si Almira. Kaibigan mo siya." K-kaibigan? Ko?!

"Naguguluhan ka? Gusto mo na bang malaman ang lahat?" Ang lahat?

"P-pakiusap...gusto kong malaman kung sino ba talaga ako, siya, atsaka anong nagayayari?!"

Lumapit si Lea sakin atsaka tinapat niya ulit yung daliri niya noo ko. Para bang samu't saring litrato ang nakikita ko sa isip ko....

 Nasa kotse kami ni Almira galing trabaho..sobrang traffic kaya naman mainit ang ulo ni Al. Hanggang sa may makita akong ibang way na magle-lead din sa puputahan namin. Tinuro ko yun kay Al at agad naman niyang niliko sa eskinita yung sasakyan nung umusog ng konti yung kotse sa harapan.

Madilim dun sa eskinita..nakakatakot. ipipikit ko nalang sana yung mata ko pero biglang may boses na nagsalita. Di ko alam kung san yun nanggagaling pero mas lalo akong natakot dahil dun..

"Wag na tayo tumuloy." Sabi ko kay Al. pero ayaw niya padin lumiko. 

"B-b-bilisan m-m-mo n-na...umalis n-na tayo d-dito!!" sigaw ko pero ayaw padin niya. Kaya naman pilit kong inagaw yung manibela na naging dahilan ng muntik na naming pagbangga.

  "Ganito nalang..siguro malapit na yung exit kaya deretsuhin na lang natin."  sabi n i Al. Di nalang ako umangal. Titiisin ko nalang ang takot ko dahil kilala ko si Al. Once na magdesisyon siya, wala ng makakapigil sa kanya.

"Jen..." Naririnig ko yung boses na tinatawag yung pangalan ko. Hanggang sa nawalan nalang ako ng malay..at ng magising ako ay nasa ospital na ko..

Yun nga! Naaalala ko na! Ako nga si Jen! Yung panaginip ko, totoo siya! Di siya panaginip! Pero sino si Andrea?

Tinignan ko si Lea na nasa harapan ko ngayon. May isa pang tanong sa isip ko...kaya naman naisipan kong itanong na rin yun  para malinawan ang isip ko para na din makaisip ako ng paraan para makaalis dito. "Sino si Andrea? Yung nagsasabng pinsan ko daw siya?

"SI  Rea yun. Nagpalit lang siya ng anyo. Gusto ka niyang lituhin para di ka na umalis dito."

Akala ko-.. akala ko si Rea ang mabait....bakit niya ginagawa samin 'to?

"P-pero bakit? Bakit ayaw niya kaming paalisin?!"

"Dahil di niya padin matanggap. Di niya padin matanggap na matagal na kaming patay. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng 'to. Gusto niyang sumapi sayo. Gusto niya ulit mabuhay." P-patay? "Patay na kayo?!" 

P-pero paanong nakakausap ko pa siya??!

"Pinlano lahat ni Rea ang lahat. SInadya niyang papuntahin kayo sa eskinita. Nilito niya kayo at sinama niya kayo dito. Pinipigil niya din ang pagbalik ng ala-ala mo sa pamamagitan nung mga gamot na tinuturok niya sayo." Niya? Si Rea yung nagbibigay ng shots ko? At hindi si Lea?!

"Paano?! I-ikaw yun! Sigurado akong ikaw yun!"

Itinapat ulit ni Lea yung daliri niya sa noo ko..

Nakikita ko ang lahat...kung pano nagiging dalawa si Rea, kung pano siya nagpapalit ng anyo...yung doctor, si Nurse Anne, pati si Lea..

Pati nung nag-uusap sila ni Lea sa kwarto ko. Nakita  niya na pala ako na nakasilip sa may pintuan kaya nagpanggap siyang naaagrabyado.

Si Rea...siya ang may pakana ng lahat...

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa sobrang dami ng nalaman ko...niloloko lang pala ako ni Rea...SI Lea yung tumutulong sakin sa simula palang...

Hindi ko akalain na sa kabila ng maamo niyang mukha, may masama pala siyang binabalak.

"Alam kong nahihirapan ka..pero kailangan niyong makaalis bago mahuli ang lahat.." Napaharap ako sa nakaluhod na ngayong sa harap ko na si Lea

Tama siya...dapat di ako panghinaan ng loob. Kailangan namin makaalis dito, kailangan namin makaalis dito ni Almira.

"Paano? Paano kami aalis? Pakiusap...sabihin mo sakin..."

Magsasalita palang sana si Lea ng bigla nanamang dumilim ang paligid. Nawala si Lea sa harapan ko. Pero may pumalit. 

Nandun siya sa likuran ko.

Si Rea.


The reverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon