Chapter 2: The Exit

83 6 0
                                    

Chapter 2: The Exit

Natatakot na ko.....kanina ko pa ginigising si Jen pero ayaw niya magising... kanina ko pa din nakikita yung sign ng 'exit' na may baliktad na 'E'.

Bigla na lang din umulan ng malakas! Parang bagyo! Halos zero visibility na!

Di kaya pare-pareho lang talaga yung signboard?

Napagdesisyunan kong ihinto ang kotse sa may tapat ng signboard. Balak kong maglagay ng palatandaan para malaman ko kung ano na talagang nangyayari.

Kumuha ako ng flashlight sa bag ko.. buti na lang ready ako palagi...Bumaba ako ng kotse. Di alintana kung mabasa man ng ulan. Binaliktad ko yung exit sign na baliktad yung 'E'. Nagulat ako dahil nang baliktarin ko ang sign board ay 'exit'na ulit ang nakalagay dun kaya lang di na baliktad yung 'E'.

May ibig sabihin kaya ito?

Babalik na sana ako sa kotse, ang kaso lang....

Nasaan na?! B-bakit wala na yung kotse???! A-ano na bang nangyayari???!

Kahit san ako lumingon, hindi ko talaga makita yung kotse! Pano nangyaring biglang nawala?!

Tama talaga si jen may mali talaga dito!

Teka....nasaan si jen?!

"Jenn! Jen!!!" Feeling ko mababaliw na ko!

"Ano ba! Kung joke-time to hindi na ko natutuwa! Jen!! Ano ba!!"

Tumakbo na ako dahil sa takot..pero ano pang silbi? Ni hindi ko alam kung paano ako lalabas!

Haist malas! Wahhh!! Bakit ngayon pa namatay yung flashlight??!! Paano na!!

Wala na akong makita...pitch black...nakapaupo na lang ako sa basang kalsada. Hindi ko na alam ang gagawin ko..... naramdaman ko na lang ang luha na pumapatak sa pisngi ko...hayysshh umiiyak na pala ako..

Paano na ko ngayon? *sobs*

Bigla akong may naaninag na liwanag. Teka....liwanag?!

Agad kong iniangat ang ulo ko at agad ding tumayo. Sa wakas may tao! Ligtas na ko!

Sinubukan kong ipara yung kotse ang kaso dumeretso lang yon na para bang di ako nakikita. Naupo ulit ako. Nagbabakasakaling may dadaan ulit na kotse. 

Ilang oras na din siguro akong naghihintay. Siguro madaling araw na... nasan na kaya si Jen?? Ayos lang kaya siya? Hanggang ngayon di ko padin mainktindihan kung ano na bang nangyayari. Parang kanina lang nasa sasakyan pa ko. Nagmamadaling makauwi dahil sa pagod. 

Maya-maya'y may dumaan ulit na sasakyan. Pero tulad kanina, wala padin. Nilagpasan lang nila ako ulit na parang walang nakita. Ganito pala ang pakiramdam ng multo. Nanghihingi ng tulong pero walang nakakakita..

Napagdesisyunan kong maglakad-lakad. Nagbabakasakaling makakita ng daan palabas. Wala na akong pake kung di ko man nakikita kung dinadaanan ko. Deretso lang ako ng deretso. 

Habang naglalakad ay may nasagi ako. Kinapa ko yun at napagtanto ko na yun yung signboard na exit. 

Wala namang masama kung susubukan ko diba?

Gaya ng naunang plano, iniwan ko yung flashlight na di na gumagana sa may paanan ng signboard bilang palatandaan tsaka dumeretso ulit ng lakad. Salamat naman at huminto na ang ulan. Kahit papano nabawasan ang kamalasan ko. 

Matagal-tagal na din akong naglalakad. Tantiya ko isang oras? O baka dalawa? Di na din kasi gumagana ang relo ko dahil nabasa ng ulan. 

Di inaasahang may nabangga ako ulit. Pagkapa ko, isa yun ulit signboard. Umupo ako at kinapakapa ang sahig malapit sa paanan. Sana mali ang hula ko..

Pero....A-ano toh?!

Nakakagulat. Nakakakilabot! Kahit hindi ko nakikita, alam na alam ko kung ano to!

Eto yung flashlight! 

Ibig sabihin, paikot-ikot lang talaga ako?! Ano na bang nangyayari?!

Sa ikatlong pagkakataon, may naaninnag ulit ako na liwanag. May kotse!!

Sinusubukan kong ipara yung kotseng paparating...pumunta ako sa gitna para siguradong makikita na nila ako. Pero...ang bilis ng mga pangyayari... ayaw tumigil ng kotse...tapos....

"Kyaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!"

The reverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon