Final Chapter

47 2 0
                                    

Payapa kaming nakauwi ni Almira sa apartment namin.

Parang walang nangyari dahil parang tumigil ang oras nung panahong nandun pa kami...

Pag-atras namin kanina, parang umikot ang paligid at nagulat nalang kami ni Al na nasa traffic na kami.

"Inom ka munang tubig." Alok ko kay Almira na agad naman niyang tinanggap.

"Salamat." Sabi niya at ininom ang tubig na parang ilang araw siyang di nakainom.

"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Al sakin.

Nag-aalangan akong ikwento sa kanya dahil ayoko na sanang maalala ang nagyari pero naisip ko na kailangan niyang malaman ang lahat.

Matapos kong ikwento sa kanya ang lahat, halos maiyak si Al dahil muntik na nga naman kaming mamatay.

Inakap ko si Al. Siya ang pinakamatapang na babaeng kilala ko kaya naman nakakapanibago na umiiyak siya ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako. Laking pasasalamat namin kay Lea dahil kung hindi niya kami tinulungan, baka nandun padin kami ni Al.

*KRING!!

Sinagot ko ang tawag at si Mark pala yun.

"Hello?"

"Jen...Kamusta na kayo?"

Ang weird naman ng tanong ni Mark. Parang alam niya lahat dahil nangangamusta siya. Pero di ko pwede ipaalam ang nangyari dahil baka mapagkamalan akong baliw.

"A-ayos naman." Pagsisinungaling ko.

"Wag mo na itago Jen...alam ko ang nangyari." P-paanong--?!

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong nabiktima niya kayo."

"S-sino?"

"Si Ate Rea. At ang kakambal niyang si Ate Lea"

Paano nalaman ni Mark yun?!

"Bakit kilala mo sila? May kinalaman ka ba sa nangyari?!"

Matagal bago sumagot si Mark. At di ko alam kung paniniwalaan ko ang sinagot niya sakin.

"Kapatid ko sila."

Kinilabutan ako bigla. Kapatid ni Mark sila Rea at Lea.

Kinwento sakin ni Mark kung pano niya nalaman ang lahat.

"Natulog ako pagkatapos ko tumawag kay Al. Napanaginipan ko ang nangyari kaya naman ako na ang humihingi ng pasensya para sa ginawa ng kapatid ko. Hindi kayo ang nauna. Hindi kayo ang unang biktima. Madami na siyang nabiktima pero kayo lang ang nakatakas. Alam ko ang plano ni Ate Rea, kukuha siya ng walong buhay para lang mabuhay ulit siya at pang-walo ka na sana at pang-pito si Al. Kaya mag-ingat kayo Jen. Wag kayo magpapadala sa mga ilusyon na ginagawa niya. Kilala ko si Ate Rea. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya, na minsan para na siyang nababaliw... Noong bata pa lang sila medyo kakaiba na ang kilos ni Ate Rea. Madalas niyang kausapin ang sarili niya, kaya naman na-admit siya sa isang mental hospital noon. Pero makalipas lang ang ilang buwan, nakalabas na din siya dahil naging normal naman na siya. Nakapag-aral siya, at naka0graduate. Hanggang sa maging lisensyadong nurse na siya. Okay na sana ang lahat, pero ilang buwan lang pagkatapos magtrabaho ni Ate Rea sa ospital, bumabalik nanaman yung mga kinakausap niya na di namn nakikita. Noong araw na nasunog yung ospital, tatanggalin na sana si Ate Rea sa ospital dahil unstable ang mental condition niya, kaya malakas ang kutob namin na baka siya ang may gawa ng sunog."

Nabigla ako sa lahat ng nalaman ko. Kaya pala...baliw nga si Rea. At lalo pa siyang nabaliw dahil namatay siya dahil na din sa kagagawan niya.

"Mark...anong ibig mong sabihin na hindi kami ang nauna?"

The reverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon