Chapter 4:The Awakening Part II

49 5 0
                                    

Chapter 4: The Awakening Part II

"So you mean to say, mag-iisang buwan na ko dito??" Hindi talaga ako makapaniwala na halos one month akong nakaratay sa ICU (Intensive Care Unit) dahil daw sa car accident.

Sabi ng doctor kanina, kailangan ko pa daw mag-stay para maobserbahan pa..pero normal nanaman daw ang mga vitals ko at medyo mabilis magrecover. Kailangan ko din daw mag-exercise since medyo matagal akong walang malay at di gumagalaw para daw di mabigla yung katawan ko.

Nagising ako kanina. Pero di tulad nung una, kalmado na ako. Nandun pa din yung babae. Rea daw ang pangalan niya. Nagkwentuhan lang kami. Sabi niya madalas siya pumunta sa ospital na to dahil sa personal na rason daw. Di ko na inalam dahil baka sabihin niya nakikialam ako. 

Di ko padin alam kung anong nangyari sakin. Ni ala-ala ko wala pa. Parang blangko lang ang nasa isip ko.

"Yup..nakita na lang kita, walang malay tapos duguan.." Sabi ni Rea. Siya nga pala yung nagdala sakin dito.

"Thank you ulit ha? Utang na loob ko sayo ang buhay ko." Umiling naman siya.

"Wala yun! Kahit sino naman siguro gagawin yung ginawa ko.." napangiti ako sa sinabi niya. Ang bait ng taong to.. Para siyang anghel.

"Wag ka mag-alala maaalala mo rin kung sino ka!" masigla niyang sabi. Napatango na lang ako at nagsabi ng 'sana nga' na medyo matamlay.

Maya-maya pa ay may pumasok na nurse para bigyan ako ng shot. Hindi naman ako takot sa karayom kaya okay lang.

Nakaputi yung nurse. The usual nurse na makikita sa ospital, naka-bun yung buhok niya tapos may kwintas siya na may nakasulat na 'Rude'.

Ang saklap naman ng pendant niya. Bakit kaya Rude?

Napansin ko na medyo natigilan si Rea nung nakita niya yung nurse. Medyo hawig sila...di kaya, kambal?

Pagkatapos ako bigyan ng shot nung nurse ay umalis siya. Pero bago tuluyang makalabas ay napansin ko na ngumisi siya habang nakatingin kay Rea. Ano kayang relasyon nila? Atsaka anong ibig sabihin ng ngisi na yun nung nurse? Grabe...napaka-weird.

Tumingin naman ako kay Rea. Medyo tahimik pa siya. Ano bang meron? Dahil ba yun sa nurse?

"Magkakambal ba kayo?" agad na tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot ay ngumiti siya. From simangot to ngiti? Weird...pareho sila.

"Anyway...kamusta na pakiramdam mo?" change topic agad? Oh well..mukhang iwas siya sa topic na yun..

"ok na..thank you ulit!" nagthumbs-up pa siya habang nakangiti.

Tapos nagkuwento ng nagkwento si Rea tungkol ulit sa mga pangyayari sa paligid habang tulog ako. Pero hindi ko masyado naintindihan dahil mas nacucurious ako sa reaksyon ni Rea kanina nung nakita niya yung nurse.

Ano kayang relasyon nila?

Teka nga.. bakit ko ba sila pino-problema?! Haayy...imbis na alalahanin ko yung sarili ko, kung anu-ano pa pinapakelaman ko!

"Uhmm..Andrea? Okay ka lang? Ay shet! Nag-space out na pala ako! Nakakahiya naman kay Rea. Napagkasunduan namin na Andrea na lang muna ang pangalan ko hangga't di pa ko nakakaalala.

"Ah? A-ano.. oo may iniisip lang hehe..." palusot ko. 

"Ano naman iniisip mo?" Tanong ni Rea. Hala lagot! Pano ko sasabihin na sila nung Nurse yung iniisip ko? Baka sabihin niya pakelamera talaga ko...

"Kami ba yun ni Lea?"

Sino si Lea?

"Ah..wala..wala..wag mo na isipin yun."

Nagulat ako sa tanong niya, pero mas nagulat ako kung paano niya nalalaman yung mga sinasabi ko sa isip ko?! Mind reader ba siya? "A-ah..hehe oo eh..naku-curious kasi ako kung anong relasyon niyong dalawa...magkamukha kasi kayo..hehe"

"Ahh ganun ba? Kambal nga kami...kapatid ko siya pero di kami close." Ahh kaya naman pala magkamukha sila...

"Bakit di kayo close?" Ay ang chismosa ko...napayuko si Rea. Hala...yan tuloy...dapat siguro wag ko na alamin..

"Hala...sorry...sige kahit di mo na sagutin yung tanong ko...ayos lang.. pasensya na sa pakikialam..."

"N-no ayos lang." Nginitian ulit ako ni Rea. Ambait niya talaga...siguro kaya di sila close magkapatid kasi magkaiba sila ng ugali?

"Ahh nga pala...bababa ako, anong gusto mong ipabili?" 

"Ahmm..wala naman..salamat nalang." 

"Okay. Wait lang ah." 

Tumango nalang ako at tsaka naman umabas si Rea. 

Napagpasiyahan kong maglibot-libot sa kwarto ko pamatay lang ng oras. Medyo nakakalakad nanaman ako salamat sa mga therapy.

Una ko lang napansin sa kwarto ko, may bintana pero ni-misan di pa yun nabuksan. Wala din akong mapaglibangan dahil wala ding TV. Pumunta ako sa tapat ng bintana. Ihahawi ko sana ang bintana nang biglang nagdilim ulit ang paligid.

Anong nangyayari? Bakit ang dilim??!

Sinubukan kong humingi ng tulong pero kahit anong gawin kong buka ng bibig ko, walang boses na lumalabas!

May naririnig akong mga boses. Parang boses ng babae? Parang nanghihingi ng tulong?

Hinahanap ko kung saan nanggagaling yung boses pero puro itim lang yung nakikita ko. T-teka..may tao pala! Parang...babae? Siya kaya yung sumisigaw? 

Palapit siya ng palapit hanggang sa nakita ko na ag mukha niya. SI Lea! Anong ginagawa niya dito?! 

Nang makalapit si Lea sakin, tinapat niya yung daliri niya sa noo ko. Tapos parang may sinasabi siya pero di ko maintindihan. hanggang sa... wala na..wala na akong maalala bukod sa mukha ni Rea na nakangiti sa likod ni Lea.

The reverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon