Chapter 3: The Awakening

74 5 0
                                    

Chapter 3: The Awakening

Hindi ko alam kung pano pero nagising na lang ako sa isang kwartong puti. Rinig na rinig dito ang pagtunog ng isang makinarya na nagpapahiwatig kung buhay pa ba ko o hindi. Ramdam ko ang pamamanhid ng kamay ko na parang inaangat ang balat doon. Kahit na medyo nanlalabo pa ang paningin ko ay pinilit kong aninagin ang buong kwarto.

Bakit ako nasa ospital? Pinilit kong bumangon. Ang sakit sakit ng katawan ko. Para akong binugbog...

Tinanggal ko ang dextrose sa kamay ko na naging dahilan ng pamamanhid nito.

Walang tao sa paligid....mag-isa lang ako...

Sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako. Nanlalambot ang mga braso at binti ko. Pinilit ko ulit tumayo pero ilang beses akong natumba pero sa huli ay nakatayo din pero nakatungkod ang isa kong kamay sa pader. Nung medyo nakakalakad na ako ay lumabas ako ng kwarto. Base sa hitsura ng lugar ay ospital nga talaga ito. Bago pa, malinis...pero walang ibang tao..

Pano kaya ko napunta dito?

Nilakad ko ang mahabang hallway na parang wala itong hangganan. Puro ding-ding at pinto ang nasa paligid. May mga signboards na nagtuturo kung san ang dapat puntahan. Derederetso at walang likuan.

Nakita ko ang sign na 'Emergency Room' at 'Intensive Care Unit' at pareho itong may arrow na nakaturo sa direksyong pinanggalingan ko kanina.

Inabot ng ilang segundo...lakad pa rin ako ng lakad..paulit -ulit lang ang signs na nakikita ko. Pakiramdam.ko ay nagpapaikot-ikot lang ako.Dahil sa pagod ay sumandal ako sandali sa ding-ding. Pumikit ako saglit at laking gulat ko dahil may paparating na nurses at doctors na may hila-hilang stretcher. Nang mapadaan sila sa harap ko ay natanaw ko ang isang babaeng sobrang putla at sa tingin ko'y nag-aagaw buhay na. Patungo sila sa ER siguro. Sa unang tingin ay mapagkakamalan mong patay na ang babae.

Nakasunod sa kanila ang dalawang babae. Isang mga nasa mid-40's at isang sa tinggin ko ay kasing-edad ko lang.

'Siguro kamag-anak sila ng babae kanina..'

Sinundan ko lang ng tingin ang dalawang babae hanggang sa makalagpas sila. Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad nang biglang may humawak sa likod ko. "Almira" tawag niya. Sino si Almira? "Ikaw yan diba?" Liningon ko ang babae at takang nagtanong. "A-ako?" Napakunot ang noo niya sa tanong ko. Ipinagpilitan niya pang ako daw si Almira pero kahit anong gawin kong pag-alala, hindi ko maalala ang pangalan ko. Weird.

Nagkwento pa ng nagkwento ang babae. Nagpakilala siya bilang si Andrea, at ako daw si Almira Adelfonso. Ang pinsan niya.

Bumalik sa isipan ko ang babae kanina. Kaya tinanong ko sya kung sino ang babaeng yun. 'kaibigan'niya daw. Naaksidente daw ito. Nabangga daw yung kotseng sinasakyan nito at agaw buhay siya dahil maraming nawalang dugo sa kanya. Nakakaawa naman..sana makaligtas siya...

Pinipilit pa rin ni 'Andrea' na ako daw ang 'pinsan'niya. Pero kahit anong piga ko sa utak ko, wala pa rin. Di ko pa din alam. Sumasakit lang ang ulo ko.

Sinabi niya pa na Allan daw ang pangalan ng papa ko, at Mira naman daw ang sa mama ko. Only child lang daw ako. Ilang beses ko talagang inaalala yung mga sinasabi niya. Ang kaso, wala talaga! As in blanko! Wala akong maalala!

Dahil sa nawi-weirdohan na si Andrea sakin ay sinabi na lang niya na babalik na siya sa mama ng kaibigan niya dahil kailangan niya daw ito i-comfort. Um-oo naman ako kasi gusto ko na talagang pumunta sa nurse station at itanong kung pano ako napunta dito.

Nang umalis si Andrea ay siya ring talikod ko.

Pero...bakit ganun?

Bakit...iba?

Yung dating mapuputing sahig at makinis na semento...wala...naging parang luma at biyak biyak na...

A-ano na bang nangyayari?

Pinikit pikit ko ang mga mata ko, nagbabakasakaling hindi ito totoo..pero..mali ako...talagang nagbago ang paligid!

Nakakatakot....parang nasunog ang lugar na ito...sobrang layo sa kaninang hitsura...

Nababaliw na ba ko? Hindi kaya...

Nag-iilusyon lang ako at hallucinations lang ang lahat ng to?!

"Ma'am, are you awake?" Huh? Boses ng babae?

Unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at naaaninag ko na ang babaeng kumakausap saakin ngayon.

"Sa wakas! May malay na po kayo! Doc!" Sabay may pinindot siya sa may headboard ng kama at maya maya pa ay may lumapit sa akin na sa tingin ko ay isang doktor.

"Sino po kayo? Bakit po ako nandito?"

"Dahil sa Car Accident. Miss..? Pwede po ba malaman ang pangalan niyo?"

"H-hindi ko po alam..."

Bakit ganun? Bakit wala akong maalala?

Tinignan ko yung babaeng nakita ko kanina nung nagising ako. Binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti. Pero sino siya? Bakit ako nandito? Anong pangalan ko?

"Sino ako?! Bakit ganun?! Bakit wala akong malalala??!!" Naguguluhan ako..bakit ganun??!

"Miss! Kumalma ka! T-teka miss!" Sino ako?! Bakit parang walang laman ang ala-ala ko?!

"Nurse! Pakibigyan na siya ng pampakalma!" Ano ba?!!! Sagutin niyo ko!! Pano ako napunta dito?!!

"Ba...kit....ganun...." 

Ang huli ko nalang na natatandaan ay yung nurse na babae. May tinurok siya sa braso ko..

Tapos naging blangko na ang lahat.

The reverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon