Chapter 19

294 18 1
                                    

~Lo Siento, Adios Nuestro Pasado~
Chapter 19
By: Mharl

*Lezandro's P.O.V

Kanina ko pa sya tinitignan mula sa malayo, nakaupo lang sya malapit sa puno at hindi ko alam kung bakit simula kanina ng umaga ay tila sya ay wala sa sariling makipag usap

sa tuwing tatanungin ko sya kung ayos lang ba sya ang lagi nyang tinuturan ay mabuti lang sya

ngunit hindi iyon ang nakikita ko

Tila ang lungkot nya at may malalim na iniisip

"Anong problema ng ginoo?" napatingin nalang ako kay mang tomas ng magsalita sys, nanghingi kasi sya ng asin dahil naubusan daw sila at parehas na naming pinagmamasdan si Celeste

"Hindi ko din mawari kung ano ang nagyari, kagabi naman ay ayos lang sya" sagot ko sa kanya at hinawakan nya ang balikat ko

"Baka may nais makita, o nangungulila ang kaibigan mo" ayaw ipaalam ni Celeste sa kahit kanino na magkasintahan kami, ayaw nya daw kaming pag usapang dalawa, kahit alam ko naman na hindi yun gagawin ng mga tao dito ay sinunod ko nalang kung duon sya mas komportable

"Sige, magluluto ako ng tinola, hahatiran kita rito ng makahigop ng sabaw ang kaibigan mo, subukan mo syang kausapin at alalayan" payo nya na ikinatango ko bago sya umalis ng bahay namin

Napabuntong hininga nalang ako bago akong muling pumasok sa loob ng bahay at kinuha ko ang gitara

hindi pa ito nakatono dahil pinakialaman ni Inigo nung nakaraang araw

Hindi ko kayang makita syang nalulungkot ng ganyan at wala man lang akong magawa

Nang matono ko na ang gitara ay agad ko syang pinuntahan, hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay at mukhang masyadong malalim ang iniisip nya dahil hindi nya man lang ako napansin na umupo sa tabi nya

"Baby, may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya, napaawang nalang amg labi ko matapos syang tumingin saakin at makita ko ang mga luhang natuyo sa mata nya

kung gayon ay may problema nga sya na ayaw ipaalam saakin

"L-lezandro?" agad nyang pinunasan ang luha nya sa gulat ng makita nya ako kaya agad akong ngumiti sa kanya. Nais kong protektahan ang ginoo na ito hanggang sa pagtanda ko

wala na akong ibang nakikitang maaaring pumalit sa kanya

"Anong ginagawa mo dito? nagugutom ka na ba? pasensya na sige magluluto na ak-" agad kong hinawakan ang kamay nya ng akmang tatayo na sya na ikinakunot ng nuo nya

"Halika, upo ka muna" mahinahon kong sabi at tinapik ko ang hita ko, nais ko syang yakapin upang malaman nya na kahit anong mangyari ay andito ako sa tabi nya

"Halika, upo ka na" agad ko na syang hinila dahilan para mapaupo sya sa binti ko na ikinagulat nya

matagal ng kami, lagi ko syang niyayakap at lagi ng may nangyayari saamin, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nagugulat pa din sya sa mga ginagawa ko sa kanya

"Alam kong mahirap ang mga nangyayari mahal, naiintindihan ko. Pero ngayon, wag ka munang mag isip ah, ako lang muna, tayo lang muna" dahan dahan kong inabot ang mukha nya at pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata nya, akala ko ay titigil ito ngunit mas lalo pa syang umiyak at dahan dahan syang dumilat

"M-mahal na mahal kita" nanginginig ang mga labi nya habang binibigkas nya ang mga salita na yun at agad nya akong niyakap na ikinahagulgol nya

hindi ko alam kung ano ang nangyayari

"Ayaw kitang iwan, ayaw kong matapos to, natatakot ako sa mga mangyayari Lezandro"

"Shhh, hindi mo ako iiwan, walang mang iiwan, Mananatili ako sa tabi mo" pagpapakalma ko sa kanya, mukhang hindi ko din naman sya mapapatahan kaya tumayo nalang ako at buhat buhat ko sya, mahigpit ang yakap nya saakin at ang ayaw bumitaw kaya pumasok na kami sa loob ng bahay at inihiga ko sya sa kama ko

Lo Siento, Adios Nuestro PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon