Chapter 39

255 19 5
                                    

~Lo Siento, Adios Nuestro Pasado~
Chapter 39
By: Mharl

"Hmmm....hmmmm..." I was just humming while hugging him, he is using my biceps as his pillow while crying. Hindi ko alam kung papaano ko sya papatahanin, alam ko kung gaano nya kamahal si Miguel, kasama nya ang mga kapatid nya sa lahat ng bagay at alam ko kung gaano ito kasakit sa part nya

"Gusto mo ng gatas? ipagtitimpla kita ng gatas para makatulog ka" bulong ko sa kanya, ramdam ko ang panginginig ng katawan nya at hindi na nya nagawag sumagot

kanina nya pa pinipigil ang sarili nyang umiyak, naririnig ko pa ang mahihinya nyang mga bulong na 'Lalaki ako, hindi ako tatangis' ngunit ng simulan ko syang yakapin ay sunod sunod nang tumulo ang mga luha nya at hindi na tumigil

"Babalik ako" bulong ko sa kanya, kinuha ko yung unan ko at iyon muna ang inunan ko sa kanya bago ko halikan ang noo nya, hindi nya magawang makatingin saakin, nahihiya sya dahil umiiyak sya, hindi nya alam wala lang naman saakin yun at naiintindihan ko kung bakit sya umiiyak

agad akong lumabas ng kwarto ko, napatingin nalang ako sa isang gilid ng biglang bumukas din ang pinto nila ina at iniluwa nun si Carlos

"Oh, di ka pa natutulog? gabi na ah?" tanong nya saakin na ikinangiti ko atsaka ako umiling

"Ikaw? saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na ikinabuntong hininga nya at sabay kaming bumaba sa kusina

"Ipagtitimpla ng tsokolate si Inigo, tumatangis at hindi makatulog" saad nya naman na ikinabuntong hininga ko, alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng kapatid, naalala ko nung nakita kong wala ng buhay si Mariposa ay para akong pinatay, hindi ko man sya kadugo ngunit kapatid na ang turing ko sa kanya

"Ikaw? bakit ka nandito?"

"Ah, hindi ako makatulog, magtitimpla ako ng gatas" sagot ko naman na ikinatango nya, baka kasi magalit si Lezandro pag sinabi kong umiiyak sya, sa panahon pa naman na ito ay hindi pepwedeng umiyak ang mga lalaki dahil para sa kanila babae lang ang umiiyak

"Ah ganun ba? sige ako na ang magtitimpla, umupo ka nalang riyan" dagdag nya kaya umupo nalang ako sa lababo, hanggang bewang lang kasi yung lababo kaya pwede akong makasampa

"Salamat pala Celeste ah" napakunot nalang ang noo ko sa pagpapasalamat nya, as of now wala pa naman akong ginagawang kahit ano para sa kanya

"Salamat naman saan?"

"Ah, sa pagpapatuloy mo saamin dito, madami ka na ngang problema dumagdag pa kami ni Inigo"

"Ano ka ba, wala yun, isa pa sino naman ang nagsabing dagdag kayo sa problema, mas masaya nga na nandito kayo atleast sigurado akong ligtas kayo" pinabantayan kasi ni Kuya ang bahay sa limang gwardya Civil mula ng pinasok kami ni Ginoong Pugoy, kaya sure ako na kahit papaano ay ligtas dito

"Ah Carlos"

"hmm?" inabot na nya saakin yung gatas

"Pagnakatulog na si Inigo, maaari mo ba akong samahan?"kinakabahan kong pakiusap, pakiramdam ko ay kailangan ko na itong gawin ngayon bago pa man maging magulo ang lahat

"Samahan saan?" tumingin tingin muna ako sa paligid para masigurado na wala ng gising, mas okay ng sigurado

"Nais ni Ginoong Romulo na maging Punong Heneral si Inigo, alam mo naman iyan, may kukunin ako sa bahay nila" napalunok nalang ako sa sinabi ko. Alam kong nangako ako kay Lezandro na hindi ko ito gagawin ngunit hindi ko kayang may mangyaring masama nanaman kay kuya o di kaya ay masira nanaman ang pangalan ng pamilya namin ng wala akong ginagawa

kung wala akong nagawa para kila ina at kay Mariposa, hindi na ako papayag na maghirap pa si Kuya

"Alam mo kung gaano kadelikado ang nais mong mangyari hindi ba?" napalunok nalang ako sa sinabi nya at hindi ko magawang makasagot at tanging buntong hininga lang ang nagawa ko

Lo Siento, Adios Nuestro PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon