Chapter 10

401 19 1
                                    

~Lo Siento, Adios Nuestro Pasado~
Chapter 10
By: Mharl

"Anong mas gusto mo? itong pritong itlog o itlog ko?" nanlaki nalang ang mata ko sa sinabi nya kaya mabilis ko syang siniko at agad akong napatingin sa gawi ni Carlos na katabi ko lang din

"Biro lang"

"Ako na nga!" inis kong sabi sa kanya na ikinatawa nya atsaka ko kinuha yung sandok para maglagay ng ulam sa plato ko habang pinagtitimpla nya din ako ng kape

"Ano bang nangyari sayo at hindi ka makalakad ng maayos?" biglang tanong saakin ni Inigo habang kumakain na ikinatingin din saakin ni Carlos

"Ah- w-wala naman, mukha kasing tatrangkasuhin ako kaya sobrang sama ng pakiramdam ko at ang sakit ng katawan ko" pagpapalusot ko sa kanya but Lezandro just chuckled na ikinakunot ng nuo nya

"Wag kayong maniwala jan, kagabi kasi umalis kami tapos tinakbo namin itong buong lugar kaya siguro masakit ang mga paa" natatawa nyang sambit saakin

pinapahamak nya kami

"Ganun ba? gusto mo ba masahihin kita mamaya?" tanong naman saakin ni Carlos habang nilalagyan ang plato ko ng ulam na paubos na

"Ako na, kaya ko na" sabat naman bigla ni Lezandro

"Anong ikaw? gago, di ako papayag na mahawakan mo si Celeste" napakagat nalang ako sa labi ko dahil sa sinabi nya kaya kumain nalang ako

gusto ko ding kalimutan kung ano man ang nangyari saamin ni Lezandro kagabi

nakakahiya

"Hello, goodmorning, what are you guys doing?" napatingin nalang kami kay Imelda ng pumasok sya bigla sa dining area habang naka maikling short lang na biglang ikinatingin nilang tatlo pero mabilis na umiwas ng tingin si Lezandro ng tignan ko sya

"Just having a breakfast, c'mon join us, where are your friends?" tanong ko naman sa kanya atsaka sya umupo sa tabi ni Inigo na mukhang nag eenjoy at ang laki ng ngiti

"Sabihin mo ako na magal aasikaso ng pagkain nya" sabi nya saakin na ikinailing ko dahil aligaga sya sa pag asikaso ng kakainin ni Imelda

"Let him serve you, i think he likes you" agad naman syang napatingin kay Inigo na mukhang nagulat

"But we can't be together, we both don't speak our language"

"He likes you but that doesn't mean he will marry you" natatawa kong sabi sa kanya na ikinapula ng mukha nya

"Just eat, don't stress yourself" pagkatapos naming kumain ay agad silang nag ayos dahil pupunta daw sila sa bayan, sasamahan ni Carlos at Lezandro si Imelda at ang dalawa pa nitong kaibigan, hindi ko naman kasi kilala yung dalawa at si Imelda lang naman ang nakakausap ko

"Kamusta?" napatingin nalang ako sa pinto ng biglang nay kumatok at duon ko nakita si Carlos na may dala dalang panghilot

"Oh? di pa ba kayo aalis?" tanong ko kanya na ikinailing nya

"Hilutin muna kita bago kami umalis para makapag pahinga ka ng maayos" sabi naman nya atsaka nya sinara ang pinto kaya naghubad nadin ako ng damit at pantalon kaya naka underwear lang ako pero dumapa naman ako

"Bakit mo ba kasi tinakbo yung buong plaza? tsaka gabing gabi na bakit ka pa lumabas mamaya anong mangyari sayo" nag aalala nyang sabi saakin habang nilalagyan nya ng oil yung katawan ko

"I-inaya ako ni Lezandro eh, tsaka ayos lang naman para makapag lakad lakad ako" nahihiya kong sabi sa kanya dahil pakiramdam ko ay niloloko ko sya

nanliligaw sya saakin tapos may nangyari saamin ni Lezandro parang nagiguilty tuloy ako

"Mamayang gabi, sumama ka sakin mangingisda tayo" agad akong napatingin sa kanya sa sinabi nya

Lo Siento, Adios Nuestro PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon