Chapter 37

279 15 1
                                    

~Lo Siento, Adios Nuestro Pasado~
Chapter 37
By: Mharl

You can't hear a single word. Both naked under his blanket, I am using his arm as my pillow, while my right hand is in his stomach while he was smoking his tobacco. I can feel his warm and smell his scent and it feels like the first time. Ganitong ganito ang nararamdaman mo noong unang beses ko syang mayakap, masarap sa pakiramdam, nakaka kalma

"Gusto mong kumain? nagugutom ka na ba?" bigla nyang tanong saakin ngunit imbis na sumagot ay mas umurong ako sa kanya isinubsob ko ang sarili ko sa kilikili nya and I heard him chuckled like he is happy to see me being clingy to him.

"Uuwi na ako mamaya, hindi ako nagpaalam kila kuya tumakas lang ako" bulong ko sa kanya. Nagkaayos naman na kami at nagkabalikan na kami, babalik din ako dito ngunit kailangan ko munang harapin sila kuya dahil sure ako na nag aalala na ang mga iyon

"Ginoo, may bisita po kayo!" napakunot nalang ang noo ni Lezandro dahil sa pagkatok ni Mercedes, mukhang hindi nya ineexpect na may bisita sya

"Dito ka lang, babalik ako" bulong nya atsaka nya ako hinalikan sa noo. Kinuha nya sa lapag ang mga damit nya at agad nyang isinuot sa sarili nya kaya hinila ko yung kumot para itago ang katawan ko dahil wala akong kahit anong damit

Napatingin nalang ako sa buong paligid ng kwarto at hindi ko maiwasang malungkot sa nangyari sa kanya. Mas maliit ang kwarto na ito compared sa mga naging kwarto nya ngunit sapat naman ito para siguro sa tatlong tao, may dalawang kabinet at isang bookshelves. Sa kwarto nya sa San Diego ay sobrang daming libro at lahat daw yun ay nabasa na nya

he is a book lover na kahit dito ay may libro ko.

"Teka lang kuya, ako nalang ang tat-" napaawang nalang ang labi ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Kuya na ikinalaki ng mata ko

gulat din syang napatingin saakin at bumaba ang mga mata nya sa katawan ko kaya agad kong kinuha yung unan ang ibinato sa kanya

"Lumabas ka!" inis kong sigaw, sinapo nya yung unan at masama akong tinignan

Magbihis ka, mag uusap tayo" halata ang galit sa mga mata nya at sa boses nya na ikinalunok ko, inis nyang isinara ang pinto kaya dali dali akong tumakbo papunta dun at inilock yun

mamaya pumasok ulit sya habang naka hubad ako. Nakakahiya!

dali dali akong nag ayos ng sarili kahit na masakit ang katawan ko lalo na ang pagitan ng mga binti ko dahil kay Lezandro, wala na din naman akong magagawa dahil anjan na si Kuya kaya nag ayos nalang ako ng sarili ko bago lumabas

Naabutan ko sila ni celestina, parehas na nakaupo sa sala habang nagkakape at parehas na masama ang tingin saakin na ikinalunok ko sa kaba.

"Umupo ka" may otoridad nyang saad, para naman akong batang sumunod sa kanya, para syang si papa kapag pinapagalitan ako, kalmado pero alam mong galit

"Paano ka nakarating dito? alam mo bang halos patuwarin ko na ang buong San Diego makita lang kita?"

"Kung hindi ka nagsinungaling saakin hindi ako tatakas kuya" pabalang kong saad at kinuha ko yung kape nya para humigop dun, ramdam ko ang mabibigat nilang mga mata na nakatutok saakin

"Ikaw, si Lezandro, si Celestina, kahit si Carlos alam ang mga nangyari ngunit nagawa nyong itago sakin? alam mo kung gaano ako nahirapan kuya"

"Buhay mo o buhay pag ibig mo, mas pinili kita dahil mahal kita" may diin na sa mga boses nya na para bang pinipilit nya akong intindihin ang sitwasyon

"Pagmamahal ba ang pagtatago saakin ng katotohanan kuya? gabi gabi akong umiiyak sa pag aakalang trinato lang ako ni Lezandro na isang puta, alam mo yan Celestina na halos hindi na ako kumakain, sasabihin nyo mahal nyo lang ako? o baka it's another, para sa ikabubuti ko?" inis kong pambabara sa kanila. Hindi ko alam pero galit ako sa kanilang tatlo. Lalo na sa dalawang ito, alam nila at saksi sila sa kung papaano ako naghirap sa mga oras na wala si Lezandro

Lo Siento, Adios Nuestro PasadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon