"Bella? Gising na." Rinig kong boses ng Isang babae. Dahan-dahan kong iminulat Ang mga mata ko at may nakita akong sobrang gandang anghel kahit medyo blurred. "Nananaginip ba ako? Bat may magandang anghel sa harap ko? O Patay na ako? Di bale nang Patay basta ba't maganda Ang Aking makikitang anghel." Sabi ko at hinawakan Ang pisngi Niya.
"Mapagbiro ka ngang talaga Bella." Sabi ng babae at hinawakan Ang kamay ko na inihawak ko sa pisngi Niya kanina at ibinaba iyon.
Nagulat ako ng marealize ko na si Alicia pala yun kaya napabangon ako at gulat siyang tinignan. "Alicia bat ka Nandito?" Tanong ko sa kaniya at tumawa Naman siya ng mahina. Yun ba Yung mahinhin na pag tawa? Cute Naman pwede pakiss?
"Naparito ako sapagkat nais ko sanang itanong sa iyo kung meron ka na bang naisulat na panata para sa kasal ninyo ng Aking kapatid?" Kunot noo ko Naman siyang tinignan. "Nais ko sanang matignan." Dagdag Niya pa at dahan-dahan Naman akong napailing Kasi Wala Naman akong naisulat na panata or vows.
"Akala ko'y nakagawa ka na. Maaari mo bang gawin Ang iyong panata ngayon?" Tanong Niya pero nakatingin lang ako sa kaniya. Ngumiti Naman siya at tumayo at kumuha ng papel at inilagay Yun sa study table ko. Inalalayan Naman Niya akong maupo sa upuan. Tense na tense ako ngayon Kasi Hindi ko alam anong isusulat ko. Hinawakan ko Yung balahibo ng manok na ballpen.
Kung ikakasal ako Yung gusto kong vow na gamitin ay Yung vow sa corpse bride pero English Naman Yun Ang hirap kayang mag translate sa Tagalog pero wala akong choice dapat mag maisulat ako ngayon para maimpress sa akin si Alicia. Nag simula na akong mag sulat at isinulat ko Ang Vow sa corpse bride na Hindi tinatranslate sa Tagalog.
'With this hand, I will lift your sorrows. Your cup shall never be empty, for I will be your wine. With this candle, I will light your way in darkness. And with this ring, I ask you to be mine.'
Kukunin Sana ni Alicia Yung papel para basahin pero pinigilan ko siya. "Chill lang Hindi pa tapos." Sabi ko at nag wink sa kaniya. Kumuha ako ng Isang papel para duon ilagay Ang Tagalog translation.
"With this hand, I will lift your sorrows." Mahinang basa ko sa papel at inisip Ang translation nun. Napahawak Naman ako sa ulo ko dahil Hindi ko alam. Huminga ako ng malalim at nag sulat.
'Sa pamamagitan ng kamay na ito, aalisin ko ang iyong kalungkutan.' isinulat ko Ang unang linya sa papel. 'Ang iyong kopa ay hindi kailanman mawawalan ng laman, sapagkat ako ang iyong magiging alak.' sulat ko sa pangalawang linya. 'Sa kandilang ito, bibigyan ko ng liwanag ang iyong daan sa dilim.' Sulat ko sa pangalawang linya. Pero napatigil ako ng biglang tumawa na parang kinikilig si Alicia sa mga isinusulat ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Paumanhin, ako'y nasisiyahan lamang sa iyong isinusulat. Ipagpatuloy mo na iyan" Sabi Niya at ngumiti sa akin at hinawakan Ang balikat ko. Napatingin Naman ako sa papel ko at nag simula ulit na mag sulat.
'At sa singsing na ito, hinihiling kong ika'y maging akin.' sulat ko at ibinalik na Yung ballpen sa ink.
"Tapos na?" Tanong Niya at tinignan Yung papel at ngumiti ngiti pa siya. Ang saya Niya talaga na ikakasal ako sa kapatid Niya. Kinuha Niya Yung balahibo ng manok at kinopya Ang sinulat ko.
Tinignan ko lang siya habang nag susulat ng nakangiti. Lord, pwede bang sa kaniya nalang ako ikasal? Sinong aayaw sa babaeng to.
Lumingon Naman siya sa akin at ngumiti. "Ibibigay ko ito Kay Rafael." Sabi Niya at niyakap ako nararamdaman ko Yung.. haha basta Yun kaya parang ayaw ko nang humiwalay sa yakap Niya.
"Hangad ko Ang kaligayahan ninyo ng Aking kapatid." Sabi Niya sa akin at humiwalay sa pagkakayakap.
Bakit pakiramdam ko may Ibang dahilan si Alicia Kaya masaya siya na ikakasal kami ng kapatid Niya.
BINABASA MO ANG
Way Back 1885
Historical FictionSi Andrius ay lalaking nag mula sa kasalukuyang panahon ngunit isang aksidente Ang nag balik sa kaniya sa nakaraan at para makabalik siya sa kaniyang panahon ay kailangan niyang tapusin Ang kaniyang misyon. Magagawa Niya kaya Ang kaniyang misyon? O...