"Binibini, gumising na po kayo" rinig kong boses
"Hmmmm 5 minutes mom--oh shit" minulat ko Ang mata ko at nakita ko si Maria na nag aalalang naka tingin sa akin "aishh natutulog pa eh bat ka ba nanggigising?" Sabi ko at dahan dahang bumangon
"Paumanhin binibini ngunit mag aalas sinko na po at kailangan ninyong mag ayos dahil may bisitang mapaparito sa inyong tahanan, at Dito na rin sila mag hahapunan" sabi Niya pero humiga lang ako ulit. "Paki sabi na masama Ang pakiramdam ko" sabi ko sabay taklob ng kumot.
"Ngunit binibini, pagagalitan ako ni Doña Teresa at Don Miguel kung Hindi kayo babangon ngayon. Sabi Kasi si ni Don Miguel ay may mahalaga kayong pag-uusapan kung kaya't kailangan niyo pong mag ayos" napabangon nalang ulit ako at tinignan siya
"Alam mo Kasi Maria, nag aadjust pa ako Dito" explain ko sa kaniya at kumunot Naman Yung noo Niya.
"Ngunit binibini--" di pa siya tapos sa sasabihin niya ay humiga ako ulit.
Narinig kong bumukas Ang pintuan pero di na ako lumingon sa kung sino man Yung pumasok
"Don Miguel" rinig kong sabi ni Maria, so si Don Miguel ang pumasok
"Arabella bumangon ka na, may importante tayong pag-uusapan" sabi Niya pero Hindi ako lumingon sa kaniya
"Marahil ay napagod po Ang binibini kung kaya't nais Niya pang mag pahinga" si Maria
"Ito ay importanteng unsapin kaya bumangon ka na Arabella" sabi Niya na may authority kaya kahit na ayaw ko ay bumangon nalang ako at tinignan siya "Mag ayos ka na" sabi Niya pa at lumabas ng kwarto napatingin Naman ako Kay Maria na nakatingin din sa akin ngayon
"Tayo na po binibini" sabi Niya at inalalayan akong tumayo at pinaupo sa Isang dressing table at pinaharap sa salamin
Natulala Naman ako sa sarili kong repleksyon. Totoo ba talaga to? Alagang alaga Ang kutis ng babaeng to sobrang kinis ng Mukha Niya at halatang walang gawaing bahay tulad ko haha!
Nakatitig lang ako sa sarili ko ngayon habang si Maria ay nilagyan ako ng kung ano-ano sa Mukha. Hindi ko maintindihan maghahapunan lang Naman pero bakit Ang dami niyang nilalagay sa Mukha ko?
Sinusuklayan din niya Ang buhok ko. Dahan dahan niyang ginagawa Yun iniiwasan Niya atang masaktan ako. Pinilian din Niya ako ng mga damit na susuotin. Napatingin ako sa kaniya nang makita ko kung anong damit Ang kinuha Niya.
"Ang ganda Naman siguro ng damit na yan para sa Hapunan at Ang init init niyan. Pumili ka Ng iba" sabi ko sa kaniya at ngumiti Naman siya
"Etong Traje de mestiza ay bagay na bagay po sa inyo binibini." Sabi Niya at ipinakita sa akin Ang Traje de mestiza daw kuno na kulay yellow Ang pangtaas at pula Naman Yung palda ay saya pala. "Hindi niyo ba natatandaan na Iniregalo ito ng iyong Ina para sa inyo?" Dugtong Niyang Tanong
"Aba malay ko" sagot ko Naman sa kaniya. Ngumiti Naman siya at pinatayo ako sa kinauupuan ko "bibihisan ko na po kayo" sabi Niya at lumapit sa akin pero lumayo ako
Ang weird pag siya mag bibihis sakin. Tamad din pala tong si Arabella nag papabihis pa.
"Malaki na ako, kaya kong bihisan sarili ko" Sabi ko sa kaniya at inagaw Yung damit ko
"Ngunit binibini tungkulin ko pong pagsilbihan kayo" sabi Niya sa akin at yumuko
"Ahh tungkulin mo, ako Ang amo mo kaya sinasabihan Kitang lumabas ka muna dahil ako Ang magbibihis sa sarili ko, okay ba Yun?" Sabi ko sa kanya "Ngunit---" sasagot pa Sana siya pero tinuro ko Yung pinto.
"Kung kailangan niyo po Ang Aking tulong tawagin niyo lang po ako" sabi Niya at agad na nag lakad palabas ng kwarto
Pag labas Niya ng kwarto, tinignan ko Ang traje de mestiza. Wow ha ganito pala mag damit Ang mga babae kahit mag hahapunan lang Ang Arte Naman ako nga naka boxer lang habang nag hahapunan
BINABASA MO ANG
Way Back 1885
Historická literaturaSi Andrius ay lalaking nag mula sa kasalukuyang panahon ngunit isang aksidente Ang nag balik sa kaniya sa nakaraan at para makabalik siya sa kaniyang panahon ay kailangan niyang tapusin Ang kaniyang misyon. Magagawa Niya kaya Ang kaniyang misyon? O...